Ipagdiriwang nina Heart Evangelista at Senator Francis "Chiz" Escudero ang ika-siyam na anibersaryo ng kanilang pagpapakasal sa pamamagitan ng renewal of wedding vows.
Mangyayari ito sa Balesin Island, Polillo, Quezon, ngayong Huwebes, Pebrero 15, 2024.
Read: Heart at Chiz, may renewal of vows sa Balesin; Maja at Rambo, isang taon nang kasal
Siyam na taon na ang nakararaan buhat nang maganap ang pag-iisang dibdib nina Heart at Francis noong 2015 sa naturang lugar.
Read: Chiz Escudero and Heart Evangelista get married in Balesin
Makalipas ang tatlong araw, idinaos noong Pebrero 18, 2015 ang wedding reception nila sa Blue Leaf Filipinas sa Parañaque City para sa kanilang mga kamag-anak at kaibigang hindi nakapunta sa Balesin Island.
Read: Chiz and Heart host star-studded Manila wedding reception
Noong Miyerkules, Pebrero 14, ang ika-39 kaarawan ni Heart.
Ginunita niya ang kanyang kaarawan sa Balesin Island din.
Kasama ni Heart sa isla ang kanyang kaibigan, ang Indonesian make-up artist na si Albert Kurniawan, na nagbahagi ng mga larawan ng aktres mula sa photo shoot nito sa Balesin.
View this post on Instagram
Sa panayam ng 24 Oras kay Heart ilang araw na ang nakararaan, sinabi niyang ang renewal ng wedding vows nila ng asawa ang selebrasyon ng kanilang love story, kasal, at maraming pangyayari sa buhay nila.
Idinagdag niyang pamilya at malalapit na kaibigan ang mga imbitado sa 9th wedding anniversary nila ng kanyang asawa sa Balesin, pero magkakaroon din sila ng piging sa Metro Manila para sa mga hindi nakadalo.
“I feel like this time around, my heart is definitely complete. I also believe na I was 30 when I got married but it’s different now.
"I know what marriage is now so it’s very meaningful for me," makahulugang pahayag ni Heart.