PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

On-screen romance nina Jerome Ponce at Krissha Viaje: Totoo na ba?

Pagpatok ng tambalan nina Jerome at Krissha, ikinagulat ng Viva executives.
by Jojo Gabinete
Published Mar 1, 2024
krsissha viaje jerome ponce sake skies archer
Krissha Viaje on Safe Skies, Archer leading man Jerome Ponce: "Siguro sa mga unang pagkikita namin, medyo may konting awkwardness pero mabilis kaming nag-jibe for some reason. Nagkuwentuhan kami agad para mas maging komportable kami sa isa’t isa tapos may nakita kaming common grounds, and from there, we connected."
PHOTO/S: @viva_tv on Instagram

Isang thanksgiving media conference ang naganap sa Viva Entertainment office sa Pasig City, Huwebes ng gabi, February 29, 2024, dahil sa tagumpay ng Safe Skies, Archer, ang romantic series na napapanood sa streaming site na VivaOne.

Pinagbibidahan ito ng bagong love team nina Jerome Ponce at Krissha Viaje.

Nagulat ang mga executive ng Viva Entertainment dahil isang sorpresa para sa kanila ang malakas na hatak ng love team ni Jerome at ng baguhang aktres na si Krissha.

Ang malakas na chemistry ng "KrisshRome" love team at ang pagiging komportable nina Jerome at Krissha sa isa’t isa ang nagbigay ng ideya sa publikong totohanan at hindi lamang para sa kanilang romantic drama series ang relasyon nila.

Read: Krissha Viaje "game" to do love scenes with Jerome Ponce in Safe Skies, Archer

Sa ginanap na thanksgiving presscon ng Safe Skies, Archer, itinuwid ni Jerome ang maling espekulasyon ng mga tao.

Ayon sa kanya, “Hindi pa namin napag-uusapan yung ganoon. And kung ako nga marunong maghintay, sana kayo rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Krissha, “For now, siyempre naka-focus po kami sa work namin. We don’t really talk about it but we’re enjoying each other's company.”

jerome ponce krissha viaje

Nang tanungin tungkol sa mga natuklasan niya kay Krissha buhat nang magsama sila sa Safe Skies, Archer, hindi naging maramot sa pagsagot si Jerome.

Saad ng aktor, “Grabe yung comfortability namin sa isa’t isa. I mean, it takes one project ang isang magkatrabaho para sobrang comfortable sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa mga hindi nakakaalam, nanggaling na po ako sa mga teleserye na sobrang tagal, taon, ilang buwan.

"At iba yung feeling na more than one year kayong nagtatrabaho na parang akala ninyo, naglalaro na lang kayo at parang araw-araw, nagkukumustahan kayo.

“Pero with Safe Skies, Archer, in less than six months, sobrang naging comfortable kami and alam niya kaagad kung ano yung do’s and don’t’s ko sa pagtatrabaho.

“Si Krissha yung tao na ine-explore pa lang niya yung acting, itong industriya, itong ibang side ng entertainment.

"Nandoon kasi siya sa more on performing at dun ko nakita na sobrang naggo-grow pa siya lalo."

Inamin naman ni Krissha ang naramdamang pagkailang kay Jerome sa unang araw ng taping nila para sa Safe Skies, Archer.

“Mabilis katrabaho si Jerome," sambit ng newbie actress.

"Siguro sa mga unang pagkikita namin, medyo may konting awkwardness pero mabilis kaming nag-jibe for some reason.

"Nagkuwentuhan kami agad para mas maging komportable kami sa isa’t isa tapos may nakita kaming common grounds, and from there, we connected.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ilang beses ko nang nasabi sa mga interbyu na he’s very generous, hindi lang sa pagiging actor.

"As a person, he’s generous with his family, with his friends, sa akin."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Krissha Viaje on Safe Skies, Archer leading man Jerome Ponce: "Siguro sa mga unang pagkikita namin, medyo may konting awkwardness pero mabilis kaming nag-jibe for some reason. Nagkuwentuhan kami agad para mas maging komportable kami sa isa’t isa tapos may nakita kaming common grounds, and from there, we connected."
PHOTO/S: @viva_tv on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results