PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rita Avila, excited nang maging senior citizen sa September 2024

Rita Avila, 23 years old na naging maging miyembro ng That's Entertainment.
by Jojo Gabinete
Published Mar 2, 2024 | Updated Mar 2, 2024
rita avila fast talk
Rita Avila on her latest health scare: “I was rushed to the emergency room just a few days ago, a week ago. I lacked potassium. It’s scary to have very low potassium. You can die... Yung potassium, scary, kasi bigla na lang akong maninigas tapos half-conscious. Scary.”
PHOTO/S: GMA Network

Ang pahayag ni Rita Avila na excited na siyang maging senior citizen sa Setyembre 2024 ang pagpapatunay na 23 years old na siya nang maging miyembro ng That’s Entertainment noong 1987.

Read: Rita Avila, 52, is the ultimate bikini bombshell!

Malaking isyu noon ang edad ni Rita dahil mga teenager ang karamihan sa mga miyembro ng sikat na youth-oriented program ng GMA-7.

Pero nagsawalang-kibo ang Seiko Films producer na si Robbie Tan tungkol sa tunay na edad ng contract star niya.

Si Rita ang bisita ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Biyernes ng hapon, Marso 1, 2023.

Dito niya inilahad ang kanyang excitement sa pagtuntong sa edad na 60.

“When I was turning thirty, akala ko yun na yung matandang-matanda. Kasi sinasabi nila na wala na sa kalendaryo.

“Tapos noong nag-thirty ako, nagbibihis-matanda ako. Forty, I got excited. Tapos sobrang excited ako na mag-fifty.

"Ay, okay, ganoon lang pala," sabi ni Rita, na ganap na ang pagiging senior citizen sa Setyembre 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Seiko Films ang home studio ni Rita at nagbigay sa kanya ng malaking break sa pelikula.

Kasabayan ni Rita sa Seiko Films si Cesar Montano.

Kapwa sila mga bitplayer sa Relasyon, ang pelikula ng Regal Films noong 1982 na mula sa direksiyon ni Ishmael Bernal at pinagbidahan nina Vilma Santos at Christopher de Leon.

Read: Vilma Santos recalls being scolded by the late Ishmael Bernal after she won a grand slam

vilam cesar rita relasyon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Cesar Montano and Rita Avila with Vilma Santos in a scene from Relasyon

Nang magpatawag ng audition ang Regal Films noong 1982 sa LVN Studios sa P. Tuazon, Quezon City, para sa mga nangangarap maging Regal babies, sina Cesar at Rita ang ipinareha ni Bernal sa mga aspiring actor.

Ang tunay na pangalan ni Rita na Ana Marie Errea ang ginagamit noong screen name ng aktres.

Ang Lilet Matias: Attorney-at-Law ang bagong proyekto ni Rita sa GMA-7.

Malaki ang kinalaman ng kanyang karakter na philantrophist sa pagbabago ng buhay ng katauhan na ginagampanan ni Jo Berry.

Pansamantalang nakahinto ang taping ng Lilet Matias kaya tinututukan ni Rita ang kanyang kalusugan.

Ipinagtapat ng aktres na isinugod siya sa ospital kamakailan lamang.

“I was rushed to the emergency room just a few days ago, a week ago.

"I lacked potassium. It’s scary to have very low potassium. You can die.

“Dehyrated din ako so I’m guilty, Atty. Lilet, kasi I don’t like talaga water. Kapag may flavor, I like.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Yung potassium, scary, kasi bigla na lang akong maninigas tapos half-conscious. Scary,” pagtatapat ni Rita tungkol sa kanyang health scare na dulot din ng hindi niya masyadong pag-inom ng tubig.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Avila on her latest health scare: “I was rushed to the emergency room just a few days ago, a week ago. I lacked potassium. It’s scary to have very low potassium. You can die... Yung potassium, scary, kasi bigla na lang akong maninigas tapos half-conscious. Scary.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results