Tinuldukan na ni Andi Eigenmann ang isyu tungkol sa tunay na edad ng kanyang pumanaw na ina na si Jaclyn Jose nang humarap siya sa mga miyembro ng media ngayong Lunes ng hapon, Marso 4, 2024.
Sinabi ni Andi na pumanaw ang nanay niya, dahil sa myocardial infarction o heart attack, sa edad na 60.
Ito ang dahilan para manahimik ang mga nagpupumilit na 59 years old lamang si Jaclyn dahil mas pinaniwalaan nila ang nakalagay sa Wikipedia na hindi ganap na mapagkakatiwalaan.
Read: Andi Eigenmann reveals cause of death of mom Jaclyn Jose
Bago pa nagsalita si Andi tungkol sa edad ng kanyang ina, nauna nang naglabas ng opisyal na pahayag ang PPL Entertainment Inc. tungkol sa pagkamatay ni Jaclyn, noong Linggo ng gabi, Marso 3.
Ang PPL Entertainment Inc. ang talent management company na namamahala sa acting career ni Jaclyn.

Naiwasan sana ang kalituhan tungkol sa edad ni Jaclyn at sa petsa ng kamatayan nito—Marso 2, hindi Marso 3—kung hinintay muna ng ilang news organization at netizens ang official statement na inilabas ng kanyang pamilya at talent management company.
Mapanganib ang pagnanais maging bida-bida o gawing scoop news at ituring na entertainment ang kamatayan ng isang tao nang walang opisyal na pahayag mula sa pamilya.
Sa panahon ng modernong teknolohiya na napakadali nang gawin ang fact-checking, mas nadaragdagan at dumarami ang mga naniniwala sa fake news.
Read: Social media etiquette after someone has died: Why we must wait for family’s announcement
Sa kasamaang-palad, naging iresponsable rin ang ibang mga TV network at news organizations dahil hindi muna sila nag-fact check bago nila iniulat na "59 years old" si Jaclyn at "March 16, 1964" ang kaarawan ng aktres.
Mali ito dahil Oktubre 21, 1963 ang totoong petsa ng pagsilang ni Jaclyn.
Nang ituwid o baguhin ng guilty parties ang kanilang mga report at headline, sila ang binalikan at inaway ng netizens na mas pinaniwalaan ang inaccurate data ng Wikipedia.