Sa mga naulilang anak ni Mark Gil (September 25, 1961 – September 1, 2014), si Gabby Eigenmann ang pinakapanganay kaya siya na ang tumatayong padre de pamilya.
Nasaksihan ang pagiging responsable at mapagmahal na kuya ni Gabby nang pumanaw ang award-winning actress na si Jaclyn Jose noong Marso 2, 2024.
Read: Multi-awarded actress Jaclyn Jose dies at 60
Hindi niya pinabayaan ang kanyang half-sister na si Andi Eigenmann.
Ang ina ni Gabby ay ang aktres ding si Irene Celebre.
Read: How Gabby Eigenmann helped sister Andi deal with Jaclyn Jose's sudden death
View this post on Instagram
Tumulong si Gabby at ang asawa nitong si Apple Eigenmann sa pag-aasikaso sa lahat ng mga nakiramay kay Andi sa burol ng cremated remains ni Jaclyn sa Arlington Memorial Chapels, mula Marso 4 hanggang sa paghahatid sa aktres sa huling hantungan nito.
Read: Gabby Eigenmann opens up about special bond with late stepmom Jaclyn Jose
Isa si Gabby sa mga huling nakakita sa walang-buhay na katawan ni Jaclyn na natagpuan sa tahanan nito noong sa Loyola Grand Mansions noong Marso 3, 2024.
Hindi na nabigyan ng pagkakataon si Andi na masilayan ang bangkay ng kanyang ina dahil nakalagay na ito sa closed casket bago nangyari ang cremation.
Hindi lamang mabuting kuya si Gabby dahil umiral din ang pagiging ama niya.
Nang makausap ng Cabinet Files si Gabby sa studio ng Fast Talk with Boy Abunda noong Martes, Marso 19, 2024, ang kinabukasan ni Gwen Guck Ilagan ang isa sa kanyang mga pangunahing alalahanin.
Si Gwen ay anak ni Jaclyn sa guitarist ng The Dawn na si Kenneth Ilagan.
Kahit hindi sila magkadugo ni Gabby, ang pag-aaral ni Gwen sa Amerika at ang kanyang magiging kapalaran ngayong ulila na siya ang labis na inaalaala ng aktor.
Bumalik sa Pilipinas si Gwen noong Marso 9 para sa huling gabi ng burol at sa libing ng kanyang ina noong Marso 10.
Read: Kapatid ni Andi Eigenmann na si Gwen Guck, umabot sa inurnment ni Jaclyn Jose
Kasalukuyang nasa Siargao si Gwen dahil isinama ito ni Andi sa islang tinitirhan nito.
Ayon kay Gabby, nakatakdang bumalik sa Amerika si Gwen sa Marso 24.
Mapalad si Andi sa pagkakaroon ng kapatid na kagaya ni Gabby dahil sa malaking malasakit at unconditional love nito sa kanya at sa kapatid niya.
Postscript: Ang My Guardian Alien, na mapapanood sa GMA-7 simula sa Abril 1, 2024, ang bagong primetime series ni Gabby sa kanyang home network.
Kasama ni Gabby sa My Guardian Alien ang kanyang tukayo na si Gabby Concepcion at si Marian Rivera.
Sa tuwing may taping sila, nagkakaroon ng kalituhan sa dalawang Gabby dahil pareho ang kanilang mga pangalan kaya Gabby E. at Gabby C. ang tawag sa kanila. Pero sabay pa rin silang napapalingon.
Para maiwasan ang pagkalito ng production staff, tinatawag nila ang dalawang aktor sa mga pangalan ng karakter na kanilang ginagampanan sa My Guardian Alien.