Sa tuwing napapadaan kami sa isang fastfood chain at nakikita namin ang kanilang bestseller food na Chao Fan, naaalala namin ang dating actress-singer na si Bobbi Mercado.
Ito ay dahil ang nasabing pagkain ang paborito niya at ng kanyang dalawang anak na lalaki.
Nobyembre 2011 nang personal na makapanayam ng Cabinet Files si Bobbi sa fastfood branch sa United Nations Avenue sa Maynila, at ang Chao Fan ang hiniling niyang ipakain namin sa kanilang mag-iina habang nagaganap ang aming pag-uusap.
Read: National Artist Ricky Lee and his 'love story' with MMFF: "Dun ako nakilala na..."
Si Bobbi ay anak ng dating sikat na TV host na si Eddie Mercado (August 20, 1938 – September 18, 2006) .
Pinsang-buo niya ang aktres ding si Snooky Serna.
Pumasok sa showbiz si Bobby noong dekada '80.
Kabilang sa mga pelikulang tinampukan niya ay pinagbidahan ni Snooky tulad ng Experience, To Mama With Love, at Santa Claus Is Coming To Town, na pawang iprinodyus ng Regal Films.

Noong Setyembre 2005, isinadula ng Magpakailanman ng GMA-7 ang life story ni Bobbi. Pinamagatan itong "Kapag Naligaw Ng Landas: The Bobbi Mercado Story."
Si Chynna Ortaleza ang gumanap bilang si Bobbi.
Dito ay umamin si Bobbi na nalulong siya sa masamang bisyo na naging dahilan para mawalan ng direksiyon ang kanyang buhay.
Read: Katrina Ponce Enrile recalls tragic last moments of ex-boyfriend Alfie Anido
BOBBI MERCADO'S CHILDREN
Maayos pa ang pamumuhay ni Bobbi nang isalin sa telebisyon ang kanyang life story kung ikukumpara nang makausap namin siya noong Nobyembre 2011 dahil naninirahan na lamang sila noon ng mga anak niya sa kalye.
Natutulog ang mag-iina sa harap ng isang gusali sa U.N. Avenue at pagkagising, maghapon silang paikot-ikot sa nasabing lugar
Kumikita ng pera si Bobbi at ang kanyang mga anak na lalaki dahil marunong silang dumiskarte. Sa gabi, pumapasok si Bobbi sa mga casino at naghihintay mabigyan ng balato ng mga nananalo sa sugal.
Watch-your-car boy naman ang kanyang panganay, at pedicab driver ang bunsong anak.
Dala ng sobrang kahirapan, hindi makapag-aral noon ang mga anak ni Bobbi. Nakaabot lamang sa Grade 3 ang panganay niya at Grade 1 ang kanyang bunso.
Read: Who is Veronica Jones, sister of late actress Jaclyn Jose?
Napangasawa ni Bobbi ang aktor na si Lito Pimentel pero hindi nagtagal ang kanilang pagsasama. Hindi sila nabiyayaan ng anak kaya nag-ampon sila ng sanggol na lalaki.
Ibinigay ni Bobbi ang adopted son nila ni Lito kay Mila Ocampo, ang ina ni Snooky. Si Mila ang nagpalaki sa bata at siya rin ang nagisnan nitong ina.
Noong 2011, twenty-five years old ang adopted son ni Bobbi at naka-confine sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong City.
Nawala sa katinuan ang isip nito dahil natuto siyang gumamit ng prohibited drugs nang malaman niyang ampon siya.
May isa pang anak na babae si Bobbi.
Anak niya ito sa isang lalaking mula sa isang mayamang angkan at pamilya ng pulitiko.
LIFE ON THE STREETS
Nag-aral si Bobbi sa exclusive school at nagtapos siya ng kolehiyo sa University of San Francisco sa Amerika kaya tunay na malungkot at nakapanghihinayang ang nangyari sa kanyang buhay.
Sina Brandy Ayala at Josephine Manuel ang dalawa sa mga dating artista na naging palaboy gaya ni Bobbi, pero malaki ang pagkakaiba ng anak ni Eddie Mercado nang makaharap siya ng Cabinet Files noong 2011.
Forty-five years old noon si Bobbi.
Maayos ang kanyang pananamit, may make-up at manicured nails.
Kahit naghihirap, hindi maitatangging kolehiyala siya at nagkaroon ng magandang buhay noong kabataan niya.
"My life is miserable. I am pathetic. I am lower than rock bottom, " paulit-ulit na sabi ni Bobbi noong makausap namin siya.
Read: UNTOLD STORIES: Details Lolit Solis has never revealed about Manila Film Fest Scam
Kahit walang pera, sinabi ni Bobbi na kailangan nitong maging presentable sa paningin ng mga tao para makapasok sa mga hotel. Dahil kung hindi, ipagtatabuyan siya ng mga security guard.
Hunyo 2011 nang maging homeless si Bobbi at ang kanyang mga anak dahil umalis sila sa bahay ng isang kamag-anak.
Sinabi ng kanyang kamag-anak na ayaw ng asawa nitong may ibang kasama sa bahay kaya nanirahan sila ng kanyang mga anak sa isang mumurahing hotel sa Maynila.
Nang hindi na makabayad ng renta sa hotel si Bobbi, kinumpiska ng management ang mga personal na gamit nila ng kanyang mga anak.
Mula noon, sa kalsada na lamang nanirahan ang mag-iina.
Natutulog sila sa kalye tuwing alas dose ng gabi at gumigising ng 4:30 ng madaling-araw para hindi masampahan ng kasong bagansiya ng mga pulis na nagroronda.
WHERE IS BOBBI MERCADONOW?
Pagkatapos isadula sa Magpakailanman ang kuwento ng kanyang buhay noong 2005, tumanggi nang magpainterbyu sa harap ng kamera si Bobbi.
Ayaw raw niyang makita sa telebisyon ang miserableng pamumuhay nila at bilang proteksiyon sa kanyang mga anak na menor de edad noon.
"May mangyayari ba kung sakaling ma-feature ang buhay namin sa TV? May mga tutulong ba sa amin?" tanong ni Bobbi.
Labintatlong taon na ang nakalilipas mula nang makausap ng Cabinet Files si Bobbi kaya nagkaroon kami ng interes na alamin ang mga nangyayari sa buhay nila ng kanyang mga anak.
Nitong Miyerkules Santo, Marso 27, 2024, isang malapit kay Bobbi ang nagsabi sa aming nagkasakit ang dating aktres noong Disyembre 2023 pero mabuti na ang kanyang kalagayan.
Kasalukuyan daw itong naninirahan sa Parañaque City, kasama ang anak niyang nagtrabaho bilang pedicab driver noong laman pa sila ng lansangan.
Ikinatuwa namin ang maganda at positibong balita tungkol sa maayos na pamumuhay ni Bobbi at ng kanyang anak, na nag-aaral ngayon, dahil nakaahon sila mula sa matinding kahirapan na dinanas nila noon.
Nagkaroon kami ng pagkakataong masulyapan ang social media page ng anak ni Bobbi.
Base sa aming mga nakita, malaki na ang ibinuti at ipinagbago ng buhay nila na isang inspirasyon para sa mga nawawalan ng pag-asa sa buhay.