Ang Kasal (2018) ang unang pelikulang ginawa ni Miss International 2016 Kylie Verzosa.
Ito rin ang kauna-unahang pagkakataong nakatrabaho niya si Paulo Avelino, pero kaunti lamang ang mga eksenang magkasama sila.
Read: Kylie Verzosa, umani ng papuri dahil sa pagganap niya sa Kasal
Ang Elevator, na ipalalabas sa mga sinehan simula sa Abril 24, 2024, ang ikalawang proyekto nina Kylie at Paulo. Pero kumportable na sila sa isa’t isa dahil sa kanilang mga script reading at acting workshop.
Read: Tatlong film companies na magkalaban sa MMFF 2022, sanib-puwersa sa pelikulang 'Elevator'
Kinunan sa Singapore ang ilan sa mga eksena nila, at dito napansin ni Paulo ang malakas na atraksiyon ni Kylie sa mga kalalakihan.
“Ang na-discover ko kay Kylie, kasi nag-shoot kami sa Singapore, head-turner talaga siya.
"Kumbaga, minsan nahihiya na akong tumabi sa kanya kasi lahat ng lalaki, sa kanya nakatingin, baka mapaaway pa ako,” kuwento ni Paulo tungkol sa ex-girlfriend ng kanyang matalik na kaibigan na si Jake Cuenca.
Read: Kylie Verzosa happy with current love life; not on good terms with ex Jake Cuenca
Sa media conference ng Elevator na naganap nitong Biyernes ng hapon, Abril 5, pinatotohanan ni Kylie na hindi siya nakaramdam ng pagkailang kay Paulo nang gawin nila ang Elevator.
Bukod sa kanilang pagsasama sa Kasal, itinuturing niyang kaibigan ang kanyang kapareha sa pelikula.
Sabi ni Kylie, “Wala kaming ilangan because, to me, I think we are friends.
"We were friends before and we’ve been friends for a couple of years and that makes it easier to work as characters and as actors.”
Ibinida rin niya ang pagiging tahimik at misteryoso ni Paulo.
Pagbabahagi ni Kylie, “He kept the same persona all throughout the shoot, but I really respect him as an actor.
"And he’s one of the best actors out here. Very maalaga siya sa scenes and we worked together well.”
Si Philip King ang sumulat ng kuwento at direktor ng Elevator.
Para kay Philip, perfect si Kylie sa karakter na ginampanan nito sa kanilang pelikula dahil napatunayan niyang head-turner ang beauty queen-turned-actress nang magkasama sila sa 76th Cannes Film Festival noong Mayo 2023.
Lahad ng direktor, “Sa Cannes, nakasama namin si Kylie. Imagine, Hollywood actors and actresses, si Kylie would turn heads left and right.
“I was with Lino Cayetano and Shugo Praico, my partners in Rein Entertainment, also both directors, so we’re with Kylie then.
"Turning heads si Kylie left and right. May mga nagpapa-picture pa sa kanya.
"So, sobrang perfect [siya] for the Bettina character [in Elevator]."