Tinawag na "sinungaling" ng Vivamax actor na si Mon Mendoza si Joana David, ang 2019 Playmate ng Playboy Philippines.
Co-stars sina Mon at Joana sa sexy-drama movie na Red Flag, na pinagbibidahan ni Micaella Raz.
Nangyari ang insidente sa media conference ng Red Flag kung saan pinabulaanan ni Joana ang sinabi ni Mon na pinoprotektahan nito ang mga kapareha sa pelikula sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa kanilang mga limitasyon sa paggawa ng love scenes.
View this post on Instagram
Pahayag ni Mon, “Sa akin po, pagdating sa mga bed scene, tinatanong ko po muna yung magiging partner ko kung hanggang saan yung limitations nila.”
Pero pagkontra ni Joana, “Hindi mo ako tinanong.”
Sa harap ng showbiz press, matunog na “Sinungaling ka!” ang reaksiyon ni Mon sa sinabi ng co-star.
Parang hindi natuwa si Mon sa kanyang narinig, pero bumawi siya nang itanong ng Cabinet Files kung napikon siya sa pagtanggi ni Joana.
“Wala naman pong problema. Siguro, hindi niya natandaan o baka hindi ko rin natandaan na may naitanong ako sa kanya,” sagot ni Mon, na tila mabilis nahimasman mula sa pagkakadulas ng kanyang dila kaya sinabihan niyang "sinungaling" si Joana.
Read: Hubadero 2024 1Q Edition: Vivamax sexy actors deliver the goods
Sa kabila ng pahayag ni Mon na "sinungaling" siya, hindi naman nagpatalo si Joana dahil iginiit niya na, “Wala po talaga siyang sinabi.”

MON MENDOZA'S SHOWBIZ JOURNEY
Nag-umpisa ang acting career ni Mon bilang ekstra sa mga teleserye ng GMA-7, hanggang ipakilala siya ng isang make-up artist sa talent manager na si Len Carrillo. Si Len ang nagdala sa kanya sa Vivamax.
Kuwento ni Mon, “Nag-e-extra extra po ako dati sa mga show ng GMA-7.
"Nakasama ako sa First Yaya. Natuwa po sa akin ang production staff, isinama nila ako sa isang teleserye pero extra pa rin.
“May nakilala akong make-up artist, ipinakilala niya ako kay Nanay Len. Pinapirma ako ni Nanay Len ng contract sa Vivamax,”
Ano ang mga pagbabago sa kanyang buhay mula nang magkaroon siya ng mga proyekto sa Vivamax?
“Marami po,” sagot ni Mon.
“Yung mga kapitbahay ko na hindi ako binabati, binabati na ako ngayon.
“Totoo po talaga yung nangyari sa akin, kasi yung mga kapitbahay ko, dati dedma sa akin. Kahit ngitian ko po, hindi nila ako pinapansin.
"Pero ngayon, akala mo kung sino sila na makangiti. Feeling close sa akin."
Ang apat na beses at magkakasunod na love scenes na ginawa niya sa loob ng isang araw ang itinuturing ni Mon na malaking hamon dahil sa sakit at pagod na kanyang naramdaman.
Saad niya, “May isang araw na apat yung bed scenes ko.
"Siyempre, masakit po para sa akin yon. Tanggal plaster, balik plaster, tanggal plaster uli.
“Sa bawat love scenes po kasi, iba-iba po yung lugar kaya mahirap din na tutuhugin na lang yung apat na love scenes.”
Read: Vivamax, No. 1 movie ang Rita; may mga offerings at newbies na dapat abangan
JOANA DAVID: HUBADERA NG TAON
Para kay Joana, isang malaking pagsubok sa kanya ang pakikipaghalikan kay Mon dahil hindi raw siya sanay na ginagawa ang nasabing eksena sa harap ng kamera.
Saad niya, “Challenge ang kissing scene namin ni Mon kasi first time ko talaga. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko.”
Mas nadadalian daw siya sa paghuhubad kesa sa pag-arte.
“Walang akong experience sa acting hanggang ngayon, pero sanay naman ako sa paghuhubad.
“Okay po ako sa lahat kasi galing din naman po ako sa Playboy Philippines.
“Hubadera po ako ng taon sa mga social media post ko po. Naba-bash din ako na ipino-post ko yung mga topless photos pero nakatakip naman.
“May mga nagsasabi sa akin na ‘Hindi ka ba nahihiya? Halos ipakita mo na yung kaluluwa mo!’
“Okay lang naman na masabihan nila ako na hubadera ng taon kasi hobby ko na yata ito kaya masaya ako na nakasama ako sa Vivamax,” lahad ni Joana.
Kaibigan ni Joana ang kapwa Vivamax artist na si Robb Guinto. Si Robb ang nagpakilala kay Joana sa talent manager na si Lito de Guzman.
Ayon sa dating Playboy Playmate, hindi siya photogenic at telegenic.
Pero nang makita ni Lito si Joana sa personal, sinabi ng talent manager na puwede siyng maging Vivamax star.
Read: Pinoy Sexy Movies 2023: Who are the new Vivamax Queens and Los Hubaderos?