JERRY OLEA:
Ngayong Marso 24, Linggo ng Palaspas, ay number 1 na ang pelikulang Rita sa Top 10 List ng Vivamax.
Ang Rita ay idinirek ni Jerry Lopez Sineneng, mula sa panulat ni National Artist Ricky Lee.
Associate producer dito si Iris Lee. Supervising producer si Niña de Castro. Creative producer si Direk Mac Alejandre.
Read: Meet Filipino-Chinese film producer Iris Lee, rumored girlfriend of Xian Lim?
Nitong Marso 22, Biyernes nag-umpisa ang Vivamax streaming ng Rita.
Umaatikabo ang pakikipaglampungan dito ni Christine Bermas kay Victor Relosa, maging kay Josh Ivan Morales.
Read: Is Josh Ivan Morales still willing to do frontal nudity 16 years after Ang Lihim Ni Antonio?

(Christine Bermas)
Wagas din ang pakikipagharutan ni Josh Ivan kay Amabella de Leon.
Naka-espadahan ni Victor sina Sahil Khan, Mhack Morales, at Josh Ivan.
Sa sukdulan ng pelikula ay nag-threesome sina Christine, Josh Ivan, at Victor.
Panay-panay ang pa-boobey ni Christine sa Rita, pero walang nagpasilip ng nota. Nasa cast din si Gold Aceron pero wala siyang eksenang hubaran.
Nakatsikahan ko si Josh Ivan sa birthday party ni Sir Ricky Lee noong Marso 19, Martes ng gabi, sa Xavierville 1 Clubhouse sa Loyola Heights, Quezon City.
Kinumusta ko ang pakikitrabaho niya kay Direk Jerry sa Vivamax, kumpara sa TV shows. Ibang-iba ba?
“Oo, sobrang iba. As in kinabahan. Sa totoo lang, kinakabahan si Direk,” pagtatapat ni Josh Ivan.
“Kasi first time niyang mag-ano ng sexy film nga. Ahhh ayun, lagi naman kaming nagmimiting ni Direk, e.
“Nakikita ko naman kasi pag kinakabahan siya, especially nung nasa set kami. Siguro, mga two to three shooting days namin, kinakabahan siya.
“Kasi hindi niya alam kung paano i-approach.”
Naku! Palaban naman sina Christine at Victor sa mga mapangahas na eksena!
Pag-ayon ni Josh Ivan, “Oo nga, nagugulat kami sa workshop, e. Lagi ko lang ipinapaalala kay Direk, ‘Direk, parang ano naman, wala namang problema sa kanila.’
“Saka mabait ang mga batang iyan. Sila mismo ang nagsasabi kay Direk, ‘Direk, OK lang, Direk.’ Ganun sila, e.
“Isa yan sa nakuha kong advice before, na ngayon naa-adopt na ng mga batang ito. So ang gagaling.
“Hindi importante yung gaano ka kagaling kasi. Ang pinakaimportante kasi, yung working attitude mo, e.
“Itong mga batang ito, nakikita ko yun sa kanila. So malayu-layo talaga ang mararating ng mga ito.”
Ang Top 10 sa Vivamax ngayong Palm Sunday — Rita, Mapanukso, Tubero, Kalikot, Kapalit, Eks, Moonlight Butterfly, Salisihan, Seksi: Pantasya at Pelikula, at Sapul.
Sa Marso 26, Martes Santo ay streaming na sa Vivamax ang Kasalo nina Vern Kaye, Albie Casiño, Mia Cruz, at Rash Flores, sa direksyon ni HF Yambao.
Sa Marso 30, Sabado de Gloria naman ang streaming ng TL nina Jenn Rosa, Nico Locco, Armani Hector, Jonica Lazo, Manu Respall, at Irish Tan, sa direksyon ni Jay Castillo.
Kasado na rin ang April streaming sa Vivamax ng mga pelikulang Cheaters, Stag, Sweet Release, Wanted Girlfriend, Dayo, Red Flag at Huling Tikim.
VIVAMAX NEWBIES
GORGY RULA:
Sangkatutak ang mga bagong mukhang binigyan ng break ng Vivamax.
Sa dinaluhan kong media conference ng dalawang Vivamax movies, doon ko nakilala sina Vern Kaye at Mia Cruz na bida sa Kasalo kasama sina Albie Casiño at Rash Flores.
Ang isa pang pelikulang pino-promote nila mag-i-streaming naman sa Abril 2, Martes ay ang Cheaters kung saan bida naman ang bago ring mukhang si Angeline Aril. Kasama naman niya rito sina Aerol Carmelo, Kara Fernandez, at John Mark Marcia. Si John Mark lang ang kilala ko sa kanila.
Pero maganda itong si Angeline na parang mala-Francine Prieto nung nagsisimula pa lang ito sa Seiko Films.
Sa totoo lang, hindi na kailangang gawin ni Albie na maghubad at makipagsabayan sa mga hubadero sa Vivamax dahil magaganda naman ang ibang pelikulang nagawa niya, at magaling siya sa teleseryeng Can’t Buy Me Love.
Pero sabi niya, bago ito sa kanya. At bilang isang artist, gusto niyang subukan lahat at kakaibang challenge din daw ito sa kanya.
“Parang I’m thinking right now kung ano pa ba ang hindi ko nagagawa. I just like to challenge myself, do new things,” sabi ni Albie sa nakaraang mediacon ng Kasalo.
VIVAMAX APRIL OFFERINGS
Sa Abril 5, Biyernes ang streaming ng Stag starring Gold Aceron, Denise Esteban, Arah Alonzo, Aerol Carmelo, Yda Manzano, at Alan Paule.
Coming sa Abril 12 ang Sweet Release, na hindi pa nakalagay sa Vivamax kung sinu-sino ba ang mga artista.
Sa Abril 16 ang Sweet Girlfriend nina Sheina Yu at Reina Castillo.
Hindi pa rin nakalista sa Vivamax kung sinu-sino ba ang mga artista ng Dayo, na streaming sa Abril 19.
Abril 26 ang pagpapalabas ng Red Flag nina Micaella Raz, Mon Mendoza, Joanna David, at Mhack Morales.
At Abril 30 ang release ng Huling Tikim nina Armina Alegre, Erika Balagtas, at RJ de Vera.
NOEL FERRER:
Talagang alam ng Vivamax ang market niya, ano? Kahit Martes Santo at Sabado de Gloria, meron silang handog.
Ang challenge na lang talaga ay gandahan ang mga materyal at pagkakagawa ng mga ito, para hindi lang talaga pang-aliw ang mga ganitong pelikula, kundi nagtatanong at nag-e-explore ng ibang tema sa lipunan, sekswalidad, social conditions at marami pang iba.
Sinasabi ng mga tao, nandiyan daw ang pera at ang audience sa Vivamax. E, di gandahan na lang, di ba?
Wait and see tayo sa audience response, na interesting pag-aralan din, di ba?
