Sampung taon na ang nakalilipas mula nang magdesisyon si Patricia Javier at ang kanyang chiropractor husband na si Dr. Rob Walcher na manirahan nang permanente sa Pilipinas para maranasan ng kanilang dalawang anak ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Noong Marso 29, 2024 ang ika-limampung taon na kaarawan ni Dr. Rob kaya pinagsabay nila ang paggunita sa isang dekada ng kanilang pananatili sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagdiriwang na naganap noong Biyernes, Abril 19, 2024.

Read: Patricia Javier back in showbiz for good; signs contract with Viva Entertainment
PATRICIA JAVIER ON BASHER
Sa kabila ng kanilang maligaya na paninirahan sa Pilipinas, ibinahagi ni Patricia na walong taon na silang walang sawa na binabatikos ng isang tao na nag-aakusa na hindi legal ang kanilang itinatag na wellness clinic kaya nasasaktan siya.
"Hindi ko na po sila pinapansin at hindi ko na rin sila binabasa kasi po talagang it’s very destructive po kapag binabasa yung bashers natin.
"Minsan below the belt na. Nakakasakit na. For the past eight years, we have this consistent basher na kung anu-ano po ang sinasabi tungkol kay Dr.Rob,” ang lahad ni Patricia na nagsalita sa kauna-unahang pagkakataon tungkol sa mga paninira laban sa kanila pero hindi pa rin niya binanggit ang pangalan ng bumabatikos sa kanyang asawa.
"Siyempre ako, asawa niya ako. Masakit po para sa akin. Sabi ko nga po, yung bashing niya sa amin, for the past eight years, siguro dapat pasalamatan ko siya dahil sa ginagawa niya, mas ipinu-promote niya kami.
"Alam naman po natin na lahat ng ginagawa namin dito sa Pilipinas ay legit. Hindi po kami magbubukas ng clinic kung wala kaming license."
"Ako po mismo ang pumupunta sa mga munisipyo, sa mga department kung saan kinukuha ang clearance for chiropractic clinic, katulad ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care [PITAHC].
"Sinasabi nila, ‘Bakit wala kayong PRC [Professional Regulation Commission] license? Kasi nga po, hindi kami part nun.
"Alternative medicine po kami kaya sa PITAHC po kami kumukuha ng aming license kaya huwag kaming i-bash na parang tinatawag nila kami na Dr. Quack Quack."
PATRICIA JAVIER ONW SHE PLANS TO DEAL WITH BASHER
Kadalasan, hindi na lang nagbabasa si Patricia ng negative comments.
"Ang sakit po nun. Kasi po yung asawa ko, nag-aral po iyan, eight to nine years. Natapos niya ang pagiging doktor, ang pagiging chiropractor kaya masakit po para sa amin na batuhin nang ganoon.
"Pero paano ko po ito tine-take? I don’t read, minsan po mas maganda na hindi natin alam kung ano yung mga hindi magaganda na sinasabi tungkol sa atin.
"We just need to continue yung mga gusto nating gawin sa buhay na makakatulong sa kapwa natin,” ang paliwanag ni Patricia na pinigilan ang sarili na huwag mapaluha habang nagsasalita dahil sa sakit ng kalooban na kanyang nararamdaman.

Pero minsan nang pumasok sa isip ni Patricia na magsampa ng kaso laban sa tao na patuloy ang paninira sa kanyang asawa at sa propesyon nito.
Sinunod na lamang ni Patricia ang mga payo na huwag nang gumawa ng legal na hakbang dahil mas marami ang mga magagandang nangyayari sa buhay nila.
Dumalo rin sa naganap na pagtitipon si PITAHC Director General Dr. Annabelle Pabiona De Guzman at ito ang nagpatunay na legal ang mga chiropractic at wellness clinic ni Dr. Rob sa Pilipinas.