PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Success story ni Emotella Senadoza, Bb. Santa Cruz 2024

Kabado kaya hindi nakasagot sa prelims, pero nanalo sa pageant.
by Jojo Gabinete
Published Apr 21, 2024
Emotella Manuela Sen?adoza is Binibining Santa Cruz 2024
Kinabahan man nang todo si Emotella Manuelle Senadoza during the prelims of Binibining Santa Cruz 2024, bumawi ito sa finals at kinabog lahat ng candidates.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang 16-year -old si Emotella Manuelle Señadoza ng Barangay Calios ang kinoronahan bilang Binibining Santa Cruz 2024 sa 20th Kesong Puti Festival ng Santa Cruz, Laguna na opisyal na nag-umpisa noong Abril 12, 2024, at nagwakas ngayong Sabado ng gabi, Abril 20.

Ang kesong puti ang pinakapopular na produkto na ginagawa sa bayan ng Santa Cruz, at bilang pagbibigay-pugay, tinawag ng mga residente na Kesong Puti ang pagdiriwang na nagsimula noong 2004.

Read: Tondo Church denounces "iskandalo" dance of shirtless men at Sto. Niño festival

Emotella ManuelLE'S UNEXPECTED VICTORY

Labingwalo ang mga opisyal na kalahok sa Binibining Santa Cruz, pero tinalo ni Emotella maging ang mga beterana sa pagsali sa mga beauty pageant.

Kahit baguhan, siya ang nagwagi ng titulo, nanalo na Miss Photogenic, at nakatanggap ng mga special awards na Best in Long Gown at Best in Swimwear.

Emotella Manuela Sen?adoza coronation as Binibining Santa Cruz 2024

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Emotella ang pinakabata sa lahat ng mga kandidata at itinuring na dark horse.

Sa preliminary competition na naganap sa isang mall noong Abril 12, hindi siya nakasagot tungkol sa kanyang advocacy dahil nangibabaw ang matinding nerbiyos nang makita ang dami ng taong nanonood.

Ang buong akala ni Emotella, pang-barangay lamang ang beauty pageant na sinalihan kaya napaiyak siya at kinabahan nang husto nung napagtanto niyang malaking patimpalak ang kanyang pinasok.

Read: How tall are Pinay beauty queens and top-5 placers at Miss Universe pageants?

Sinabihan si Emotella na bobo at malabong magwagi, pero kabaligtaran ang nangyari.

Bukod sa nasungkit niya ang korona, humakot siya ng major special awards.

Hindi siya nagpatinag sa nakakahiyang karanasan sa preliminary competition.

EMOTELLA MANUELLE'S UNEXPECTED VICTORY

Bago naganap ang coronation night ng Binibining Santa Cruz 2024 noong Biyernes, naranasan ni Emotella na umiyak dahil hindi sinasadyang kinuha ng mga naghahakot ng basura ang mga basyo ng bote na inipon niya para sa Pera sa Basura project ng pamahalaan ng Santa Cruz.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Namulot at nanghingi si Emotella ng mga basyo ng bote na dadalhin niya sa munisipyo. Isa ito sa mga requirement sa mga kandidata ng Binibining Santa Cruz. Inilagay ni Emotella sa isang lugar ang mga naipon na bote na malaking halaga ang katumbas na babayaran ng pamahalaan ng Santa Cruz, at ang pera na matatanggap niya ang kanyang ibibigay sa kawanggawa.

Read: Vintage collector in Ilocos turns junk items into home decors; earns PHP15K per month

Kinabukasan, nang gumising si Emotella, wala na ang mga bote sa lugar na pinag-iwanan niya dahil habang natutulog siya, kinuha ng mga naghahakot ng basura.

Ang pangyayaring ito ang muling nagpaiyak sa kanya.

EMOTELLA'S NAME

Pero nakatadhana ang tagumpay ni Emotella dahil siya ang pinili ng mga hurado para koronahan na Binibining Santa Cruz 2024.

Ang tatay ni Emotella ang nagbigay sa kanya ng pangalan na Emotella para unique o kakaiba ito.

Read: A baby is named HTML; his dad and aunts have unique names, too!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At dahil mababaw ang luha, tinutukso siya na “ma-emote” ng mga kamag-anak niya.

Manuela ang pangalawang pangalan ni Emotella dahil mula ito sa pangalan ng lolo niya na si Manuel Mendoza na pumanaw noong Disyembre 24, 2006, habang ipinagbubuntis siya ng kanyang ina na si Maria Leah.

Emotella Manuela Sen?adoza art

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa pagiging first-time beauty queen, mahusay na painter si Emotella at pruweba ang mga larawan ng kanyang dalawang artwork, ang Pakwan at Coca- Cola, na ipinakita niya sa Cabinet Files.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinabahan man nang todo si Emotella Manuelle Senadoza during the prelims of Binibining Santa Cruz 2024, bumawi ito sa finals at kinabog lahat ng candidates.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results