PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey Reyes mas gustong matawag na Direk Joey kesa "chair"

"Hindi ho ako mukhang silya, mukha ho akong sofa."
by Jojo Gabinete
Published Apr 21, 2024
FDCP chair joey reyes at parangal ng sining
Mas gusto pa rin ni Joey Reyes na tawagin siyang "Direk Joey" dahil ang pagiging FDCP chair aniya ay "temporary position."
PHOTO/S: FDCP

Ang 2nd Parangal ng Sining ang malaking okasyon na unang dinaluhan ni Joey Reyes bilang bagong hirang na chair o pinuno ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Idinaos ito noong Biyernes, Abril 19, 2024, sa Seda Vertis North Hotel, Quezon City.

Kung si Joey ang masusunod o tatanungin, mas gusto niya na tawagin pa rin siya sa nakasanayan na "Direk Joey" dahil sa nararamdaman daw siya ng pagkailang kapag tinatawag na Chair Joey.

"Nahihiya pa rin ako na tawagin na silya,” ang nagbibiro na sabi ng direktor nang umakyat siya sa entablado para ipakilala si Jaclyn Jose, na pinagkalooban ng posthumous honorary distinction ng FDCP dahil sa mga kontribusyon ng mahusay na aktres sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Read: Andi Eigenmann postpones wedding to Philmar Alipayo

Andi Eigenmann holding her mom's trophy given by FDCP Chairman Jose Javier Reyes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHY DIREK JOEY?

May isa pang paliwanag pa ni Reyes kung bakit mas gusto niya na "Direk Joey" ang itawag sa kanya.

Ang sabi niya sa lahat ng mga dumalo sa 2nd Parangal ng Sining, "Sana Direk Joey na lang, huwag na yung silya, okay?

"As I’ve been telling people, this is a temporary position. It will come to an end.

"But to the very last day, I will be Direk Joey, so please stick to Direk Joey, okay?

"Hindi ho ako mukhang silya, mukha ho akong sofa."

Read: Direk Joey Reyes, may aral na gustong ibahagi sa mga baguhang direktor

Bilang FDCP Chair, nahaharap si Reyes sa malaki at maraming hamon, pero kumbinsido ang mga manggagagawa sa industriya ng pelikulang Pilipino na magagampanan niya nang mabuti at maayos ang mga responsibilidad na ipinagkatiwala sa kanya.

May mga nag-alala na hindi na makakagawa si Reyes ng mga pelikula dahil sa kasalukuyan niyang posisyon, pero sa panayam ng Cabinet Files, binanggit ng veteran at multi-awarded filmmaker na tuloy pa rin siya sa paggawa ng mga proyekto bilang direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ay alam mo, sa awa ng Diyos at kabaitan ng Board of Trustee, sabi ko, hindi ako gagawa ng pelikula.

"Sila ang tumutol. Sabi nila, malaking kawalan kung hindi ako gumawa ng pelikula.

"They allowed me to make movies, but I am not allowed to be part of any film festival,” ang kuwento ni Reyes.

Pero hindi naman niya maiwasang malungkot dahil ang pagsisilbi bilang FDCP Chair ang dahilan para talikuran niya ang posisyon bilang Competition Chairman ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na malapit na malapit sa kanyang puso.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mas gusto pa rin ni Joey Reyes na tawagin siyang "Direk Joey" dahil ang pagiging FDCP chair aniya ay "temporary position."
PHOTO/S: FDCP
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results