PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Joey Reyes, Bagong FDCP Chairperson

Joey Reyes, maraming kailangang isakripisyo bilang bagong FDCP chairperson.
by Jojo Gabinete
Published Apr 8, 2024
joey reyes fdcp chairperspon
New FDCP Chairperson Joey Reyes: "Napakalaking responsibilidad at ang laking sakripisyo, oras na tinanggap ko yan. Ang laking sakripisyo. One is I have to give up Cinemalaya.”
PHOTO/S: Facebook

Opisyal na inanunsiyo ng FDCP ngayong Lunes ng gabi, Abril 8, 2024, ang pagtatalaga sa direktor na si Joey Reyes bilang bagong chairman at CEO ng Film Development Council of the Philippines.

Si Direk Joey, na technical consultant ng FDCP, ang ipinalit kay Tirso Cruz III na nagbitiw sa naturang posisyon noong Marso 13, 2024.

Read: Tirso Cruz III resigns as FDCP chairman

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang isang mahusay na direktor at manunulat, taglay ni Direk Joey ang lahat ng katangian para pamunuan ang FDCP dahil sa kanyang mga hindi matatawarang karanasan at kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino sa loob ng 40 taon.

Nang humarap si Direk Joey, kasama ang executive director ng Film Philippines Office na si Joierie Pacumo, sa entertainment media para sa Parangal ng Sining nitong Lunes ng tanghali, Abril 8, isa sa mga napag-usapan ng ipapalit sa nabakanteng posisyon ni Cruz.

Sabi ni Pacumo, “There are no official paper yet and we’re still waiting for that to be announced so, hopefully, we get the news as soon as possible.”

Ayon naman kay Direk Joey, “To begin with, we are not in the position to announce, it has to be the Palace.”

Nang tanungin tungkol sa kumakalat na balita na siya ang magiging kapalit ni Tirso, ito ang sagot ni Direk Joey: “It’s very flattering but at the same time, the responsibility is big.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"To begin with, Liza’s [Diño, former FDCP chair] shoes are big to put on and you have to move forward.

“Tirso’s activities were equally impressive that you have to push this further. Whoever is going to be the next chair will have to carry on.

"Napakalaking responsibilidad at ang laking sakripisyo, oras na tinanggap ko yan. Ang laking sakripisyo.

“One is I have to give up Cinemalaya.”

Read: Joey Reyes, prangkang sinabi kung bakit walang 2024 Summer MMFF at PPP

JOEY REYES AS NEW FDCP

Ipinaliwanag ni Direk Joey ang mga posibleng mangyari kung sakaling siya nga ang italaga bilang chair at CEO ng FDCP na siguradong makakaapekto sa kanyang propesyon bilang movie at television director.

“May mga bagay na puwede pang gawin. Puwede pang magturo.

"Yung mga kontrata na pinirmahan niya bago siya na-appoint, puwede pa niyang i-honor.

“Pero after na-appoint na siya, officially, wala na siyang kontratang puwedeng pirmahan. Limitado ka talaga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nangangahulugan na kung ako ang maging next chair, ang puwede ko na lang gawin, yung mga kontratang nag-downpayment na sa akin.

“As long as I am chair, I cannot shoot anymore, so malaking sakripisyo. Will I accept it or not?

“Mahirap pag nag-chairman. Ang daming mawawala sa yo. Ang dami mong dapat i-give up.”

Handa na ba siya para sa nasabing posisyon?

Sagot ni Direk Joey, "Bahala na ang Diyos. Ang masakit talaga, yung Cinemalaya. I have to give it up."

Bahagyang napaisip si Direk Joey nang aming ipaalaala sa kanya ang mga proyektong kanyang ginagawa para sa Vivamax.

Read: Direk Jose Javier Reyes, ratsada ang mga proyekto sa Vivamax

“Oo nga….” natatawang reaksiyon ni Direk Joey.

Malaki ang kinalaman ni Direk Joey kaya nagkaroon ng acting career ang Vivamax stars na sina Benz Sangalang at Armani Hector.

Read: Who is Armani Hector?

Postscript: Wala sa Pilipinas si Direk Joey nang isiwalat ni Tirso ang pagbibitiw nito bilang FDCP Chair at CEO dahil dumalo siya sa 48th Hong Kong Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinagulat daw ni Direk Joey ang desisyon ni Tirso, pero nauunawaan niya ang naging pasya ng beteranong aktor.

“I understood. We all understood,” lahad ni Direk Joey.

“Baka maiyak ako. Pip is an actor by heart.

"As much as he would really wanna work as hard with FDCP, he really misses being an actor and that is his happiness.

“Kulang na lang talaga, kumapit ako sa paa niya at sabihin na 'huwag kang mag-resign.' Pero nakita ko na kailangan na niyang mag-resign.

"Iba yung saya niya on the set. Sabi ko, 'Iba rin ang saya ko sa location.'

“We understood and we support Pip. Did we cry when he left? Of course, we cried.”

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
New FDCP Chairperson Joey Reyes: "Napakalaking responsibilidad at ang laking sakripisyo, oras na tinanggap ko yan. Ang laking sakripisyo. One is I have to give up Cinemalaya.”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results