PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angeline Quinto at Nonrev Daquina, ikinasal sa Quiapo Church

Regine, Vice, Sarah kabilang sa wedding entourage nina Angeline at Nonrev.
by Jojo Gabinete
Published Apr 25, 2024
angeline quinto nonrev daquina wedding
Singer-actress Angeline Quinto and Nonrev Daquina tied the knot at Quiapo Church, Thursday afternoon, April 25, 2024.
PHOTO/S: @charosantos on Instagram

Naganap ang pag-iisang dibdib nina Angeline Quinto at Nonrev Daquina sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazarene, o higit na kilala sa tawag na Quiapo Church, ngayong Huwebes ng hapon, Abril 25, 2024.

Read: Angeline Quinto at Nonrev Daquina, ikakasal sa Quiapo Church sa April 25

Idinaos ang kasal ni Angeline at ng ama ng kanyang anak na si Sylvio — na magdiriwang ng ikalawang kaarawan sa Abril 27 — sa gitna ng napakainit na panahon.

Ang babala na inilabas ng pamahalaan ng Maynila ay 42 degrees Celsius ang temperatura sa naturang lugar.

Read: Laguna hot springs, apektado ba ng mapanganib na heat index?

Napanood sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes ang ilan sa mga kaganapan sa kasal nina Angeline at Nonrev sa Quiapo Chruch.

Angeline Quinto and Nonrev Daquina Filipino-themed wedding at Quiapo church celebrity guests list

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parehong paborito nina Angeline at Nonrev ang Quiapo Church dahil may malaking bahagi ito sa kanilang buhay.

Si Angeline ay deboto ng Itim na Nazareno ng Quiapo Church, at ang ikasal siya sa nabanggit na simbahan ay katuparan ng kanyang pangarap.

Read: Angeline Quinto reveals plan to marry partner Nonrev Daquina in the U.S.


ANGELINE QUINTO WEDDING HAS CELEBRITY SPONSORS

Mga kilalang personalidad ang principal ninang at ninong sa Daquina-Quinto Nuptial.

Kabilang dito sina Martin Nievera, Boy Abunda, Charo Santos-Concio, Regine Velasquez, Dra. Vicki Belo, Zsa Zsa Padilla, ang businesswoman na si Pinky Tobiano, at ang TV executives na sina Lauren Dyogi at Cory Vidanes.

angeline nonrev wedding entourageMan of Honor si Vice Ganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Sarah Geronimo ang Flower Girl at si Erik Santos ang Ring Bearer.

View this post on Instagram

A post shared by Erik Santos (@eriksantos)

Maraming tao ang nagtitipun-tipon ngayon sa paligid ng Quiapo Church dahil wala silang ideya kung sino ang ikakasal, pero napukaw ang kanilang atensiyon nang makita nila ang mga taong naglalagay ng mga kamera sa paligid.

Idaraos sa Manila Hotel ang wedding reception pagkatapos ng pag-iisang dibdib nina Angeline at Nonrev sa makasaysayang simbahan ng Quiapo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actress Angeline Quinto and Nonrev Daquina tied the knot at Quiapo Church, Thursday afternoon, April 25, 2024.
PHOTO/S: @charosantos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results