PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angeline Quinto, Nonrev Daquina's April 25 Quiapo Church Wedding

Angeline Quinto at Nonrev Daquina, paraheong deboto ng Itim Na Nazareno.
by Jojo Gabinete
Published Apr 3, 2024
angeline quinto nonrev daquina wedding
Angeline Quinto and partner Nonrev Daquina, both Black Nazarene devotees, will tie the knot at the National Shrine of Jesus Nazareno, more popularly known as Quiapo Churh, on Abril 25, 2024.
PHOTO/S: @loveangelinequinto on Instagram

Ikakasal ang singer-actress na si Angeline Quinto at ang kanyang live-in partner na si Nonrev Daquina sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno sa Abril 25, 2024.

Higit na kilala sa tawag na Quiapo Church ang pagdarausan ng pag-iisang-dibdib ng dalawa.

Read: Angeline Quinto reveals plan to marry partner Nonrev Daquina in the U.S.

Katuparan ng pangarap ni Angeline na ikasal sa simbahan na malaki ang bahagi sa kanyang buhay.

Alam ng lahat na deboto si Angeline ng Itim na Nazareno kaya sumasali siya sa Traslacion na ginaganap tuwing Enero 9, ang araw ng kapistahan ng nabanggit na imahe.

Read: Traslacion 2024: Everything you need to know

Bukod sa pagiging deboto ng Itim na Nazareno, kaibigan ni Angeline ang mga pari ng simbahan ng Quiapo.

Deboto rin si Nonrev ng Itim na Nazareno kaya gusto rin niyang ikasal sila sa Quiapo Church.

Mangyayari nga ito sa araw ng Huwebes, Abril 25, dahil nakasaad sa Sakramento ng Kasal na walang idinaraos na kasal sa nabanggit na simbahan tuwing Biyernes at Linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Angeline Quinto asked if she secretly married Nonrev Daquina

Inaasahang malalaman ng publiko ang ibang mga detalye, tulad ng prinicipal at secondary sponsors, sa pag-iisang dibdib nina Angeline at Nonrev bago sumapit ang araw ng kanilang kasal.

Isinilang ni Angeline ang panganay nila ni Nonrev na si Sylvio noong Abril 27, 2022.

Read: Singer-actress Angeline Quinto gives birth to a healthy baby boy

Noong September 2022, isiniwalat niya sa publiko ang kanilang engagement kaya nagkaroon ng mga haka-hakang magpapakasal sila noong nakaraang taon.

Pero matutuloy ito sa Abril 25, 2024, dalawang araw bago ang pagdiriwang ng ikalawang kaarawan ng anak nila.

Read: Angeline Quinto admits saying "I love you" first to Nonrev Daquina

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto and partner Nonrev Daquina, both Black Nazarene devotees, will tie the knot at the National Shrine of Jesus Nazareno, more popularly known as Quiapo Churh, on Abril 25, 2024.
PHOTO/S: @loveangelinequinto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results