PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Glydel Mercado at Tonton Gutierrez, nagsalita tungkol sa selosan

Sino ang mas madalas nangangalabit kina Glydel at Tonton?
by Jojo Gabinete
Published Apr 26, 2024
glydel tonton fast talk
Celebrity couple Glydel Mercado and Tonton Gutierrez recall how they developed feelings for each other during their interview in Fast Talk With Boy Abunda.
PHOTO/S: GMA Network

Ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado ang mga bisita ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes ng hapon, Abril 26, 2024.

Sa bihirang pagkakataon, nagkuwento ang dalawa tungkol sa pagsisimula ng kanilang relasyon, dalawampu’t anim na taon na ang nakalilipas.

Nag-umpisa ang kanilang pagkakamabutihan sa set ng Del Tierro, ang afternoon drama series na napanood sa GMA-7 mula September 1997 hanggang May 1999.

Read: Glydel Mercado at Tonton Gutierrez, halos isang buwan nang di nagkikita dahil sa lock-in taping

Ayon kay Glydel, tahimik na manliligaw si Tonton.

“Bibigyan ka niya ng roses so alam mo siyempre na merong something,” kuwento ni Glydel tungkol sa simple at tahimik na panunuyo sa kanya ni Tonton.

“May instance na bigla siyang nagyaya sa labas, ‘Samahan mo ako, magwi-withdraw ako.’

“Sama naman ako, tapos drive sa EDSA. Bakit sa EDSA, ang daming bangko, sa EDSA pa kami magwi-withdraw?

“Natatandaan ko, nasa flyover kami ng EDSA, sa may Our Lady of Edsa [Church], nagtanong siya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi niya, ‘O ano tayo ngayon? So, on na tayo ngayon?’

“Nagulat ako, sabi ko, ‘Ikaw, ano sa tingin mo? Tayo na ba?'

“Sabi niya, ‘Ikaw?’

"Sabi ko, ‘Sige, try natin.' Hindi naman siya nag-withdraw!"

Natatawa namang rebelasyon ni Tonton, “Kunwari lang, wala akong pera.”

Hindi raw matandaan ni Tonton ang unang pagkakataong nagsabi siya ng “I love you” kay Glydel.

Pagpapaalala naman ng aktres sa mister, “Nag-I love you ka after nung date natin, nagkita tayo sa taping natin.

"Tapos tinawag ko siya na 'Babe.' Babe bigla!

"Sabi niya, ‘Anong tawag mo sa akin?’ 'Babe.'

“Tapos sabi niya, ‘I love you!’”

Read: Tonton Gutierrez reunites with wife Glydel Mercado in Kapuso project

THE ONE TIME GLYDEL GOT JEALOUS

Hindi raw nag-aaway sina Tonton at Glydel tungkol sa pera at hindi nila pinagseselosan ang isa’t isa.

Pero inamin ni Glydel na may partikular na insidenteng nagselos siya sa kapwa-artista.

“Before nagselos ako. Kinausap ko naman siya [Tonton],” sabi ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May dahilan para magselos ka?" tanong ni Boy Abunda kay Glydel.

"Yes," walang pag-aalinlangang sagot ni Glydel.

“In-explain naman niya sa akin. Sabi ko, 'Huwag nating palakihin ito basta ang sinasabi ko lang na alam ko.'

“Magla-lock ako ng door kasi ayokong marinig nung dalawang bata at saka hindi ako sumisigaw. Kalmado lang.”

SINO ANG UNANG NANGANGALABIT?

Muling narinig ang kakaibang halakhak ni Glydel nang itanong ni Boy kung sino sa kanila ni Tonton ang unang “nangangalabit.”

Reaksiyon ni Tonton, “If she refuses, it’s not because there’s something or you get offended.”

Pero iba ang kuwento ng kanyang asawa.

Lahad ni Glydel, “Pero minsan, kapag ako yung nangangalabit, [sasabihin niya] 'Promise, bukas.' Nakakainis, di ba?”

Sagot naman ni Tonton, “May panahon na pagod ka, di ba?”

Hindi nagpaawat si Glydel.

“Tapos sasabihin ko, 'Bukas'? Bukas sasabihin mo bukas na naman!” na sinundan niya ng malutong na halakhak.

Giit ni Tonton, “Araw-araw kasi ang taping nito, e!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sinungaling!” tawa nang tawa pa ring sabi ni Glydel.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrity couple Glydel Mercado and Tonton Gutierrez recall how they developed feelings for each other during their interview in Fast Talk With Boy Abunda.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results