Lumipad ang pamilya ni Patricia Javier sa Bangkok, Thailand, noong Biyernes, Abril 26, 2024.
Kasali sa Bangkok Kids International Fashion Week ang kanyang mga anak na si Ryan at ang reigning Mister Teen International na si Robert Walcher IV.
Read: Robert Douglas Walcher IV, Patricia Javier’s son, wins Mister Teen International 2023

Sina Ryan at Robert ang featured ambassadors sa Bangkok Kids International Fashion Week ng Filipino fashion designer na si Don Cristobal.


Naganap ang fashion show ng magkapatid sa Crystal Design Center sa Bangkok nitong Linggo ng hapon, Abril 28.
Nang matapos ang programa, dumiretso na ang mag-anak ni Patricia sa Suvarnabhumi International Airport para sa kanilang biyahe pabalik sa Pilipinas.
May espesyal na bahagi sa puso ni Patricia ang Bangkok dahil dito nanalo bilang Mister Teen International noong Hunyo 2023 ang panganay na anak nila ng kanyang asawa na si Dr. Rob Walcher.
ROBERT IV WALCHER: FUTURE CHIROPRACTOR
Suportado ni Patricia ang modelling career ni Robert IV habang nasa Pilipinas pa ito dahil plano ng kanyang anak na mag-aral sa Amerika.
Pangarap ni Robert IV na maging chiropractor dahil nakita nitong maraming natutulungan at napapagaling ang kanyang amang si Rob Walcher.
Saad ni Robert IV, “I always thought that chiropractic is such a very good thing to learn because you could use it anywhere. It’s a very good skill, that’s the word.
“Anywhere, anyplace, you can do chiropratic. You don’t need tools or anything, just your hands.
“And so that made me think I should also continue what we are spreading here in the Philippines, the words, the message…"
Read: Patricia Javier, "mommy-ger" ng modelong si Robert Douglas Walcher IV
PATRICIA JAVIER ON HUSBAND ROB WALCHER
Samantala, mapalad ang pakiramdam ni Patricia dahil sa pagkakaroon ng asawang hindi seloso at sinusuportahan ang lahat ng mga ginagawa niya.
Sariling desisyon ni Patricia na huwag tumanggap ng mga acting assignment, pero si Dr. Rob daw ang kumukumbinsi sa kanyang balikan ang pag-arte.
Read: Patricia Javier, Rob Walcher mas piniling magpasalamat sa blessings imbes na patulan ang bashers
Lahad ng aktres, “Yung asawa ko po, hindi seloso. Nakakalabas at nakakauwi po ako ng bahay na hindi nagagalit ang asawa ko.
“My asawa would always say ‘Okay, just have fun!’ And then pag-uwi ko sa bahay, ‘Did you have fun?’
“Hindi siya yung tipo na magtatanong kung sino ang kasama ko, saan ako pumunta at magte-text nang nasaan ako.
“Si Dr. Rob po ay napakabait na tao. Siya pa nga po ang laging nagsasabi sa akin ng, ‘Asawa, I married Patricia Javier, the actress. Where is she?’”