PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paglabas ni Luis Manzano sa GMA-7, may basbas ng ABS-CBN

Luis, gustong magman ang anak na si Peanut sa kapatid na si Ryan Christian.
by Jojo Gabinete
Published May 7, 2024
ryan vilma luis boy my mother, her story
Luis Manzano (in black) is the first guest in Boy Abunda's (extreme right) limited talk series on GMA-7, My Mother, My Story. Luis's mother Vilma Santos (in blue) and brother Run Christian Recto (extreme left) will also have special appearance.
PHOTO/S: GMA Network

May pahintulot ng ABS-CBN management ang paglabas ni Luis Manzano sa pilot episode ng My Mother, My Story, ang limited talk series ni Boy Abunda na matutunghayan sa GMA-7 sa darating na Linggo, Mayo 12, 2024, 3:15 p.m.

Exclusive contract si Luis ng ABS-CBN, pero pinayagan siya ng network management na maging panauhin sa Mother’s Day special ng bagong programa ni Boy sa Kapuso Network.

Read: Luis Manzano, mapapanood sa programa ng GMA-7

Coincidentally, labindalawang taon na ang nakalilipas mula nang mapanood si Luis sa GMA-7. Nangyari ito noong Mayo 13, 2012 nang bumisita siya sa defunct showbiz-oriented show na Showbiz Central para sa isang exclusive interview.

LUIS MANZANO PAYS TRIBUTE TO BROTHER RYAN CHRISTIAN

Ang Star for All Seasons na si Vilma Santos at ang kanyang bunsong anak na si Ryan Christian Recto ang surprise guests para kay Luis sa pilot telecast ng My Mother, My Story.

Madamdamin ang eksena ni Ryan dahil sa pagbibigay-pugay sa kanya ni Luis, na walang kamalay-malay na pinapanood ng kapatid at ng nanay niya ang pag-uusap nila ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni Luis na napakabait ni Ryan at sana, magmana sa ugali ng kapatid niya ang kanyang anak na si Peanut.

Teary-eyed si Ryan nang mapanood at marinig nito ang mga papuri sa kanya ni Luis.

Sa dalawang anak ni Vilma, si Ryan ang biniyayaan ng talento sa pag-awit.

Ayon kay Vilma, minana ni Ryan ang husay nito sa pagkanta mula kay Winnie Santos, ang kanyang nakababatang kapatid na sumikat bilang singer-actress noong dekada ’70 pero tinalikuran ang showbiz at pinili na manirahan sa Amerika.

Read: Vilma Santos, proud sa hidden talent ng anak na si Ryan Christian Recto

Hindi man naging magaling na singer si Luis, hindi ito magpapatalo sa husay sa pagsasayaw, deklarasyon nina Ryan at Vilma.

Si Luis ay anak ni Vilma sa kanyang first husband na si Edu Manzano, habang si Ryan ay anak niya sa kanyang second husband na si Raph Recto.

VILMA SANTOS'S FINANCIAL PROBLEMS

Napag-usapan din sa My Mother, My Story ang mga financial problem noon ni Vilma na nalampasan nito dahil binayaran niya ang lahat ng kanyang mga pagkakautang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas na aklat sa publiko ang kuwento ng life journey ni Vilma kaya nakamamangha na isiping darating ang panahong itatalaga na Secretary of Finance ng Pilipinas si Ralph Recto, ang asawa ng aktres.

Read: Vilma Santos recalls the moment she was financially "back to zero"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano (in black) is the first guest in Boy Abunda's (extreme right) limited talk series on GMA-7, My Mother, My Story. Luis's mother Vilma Santos (in blue) and brother Run Christian Recto (extreme left) will also have special appearance.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results