PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos proud of son Ryan Christian Recto's hidden talent

Vilma on Ryan: "He sings very well and plays drums."
by PEP Troika
Published Jan 10, 2022
Vilma Santos and son Ryan Recto
Vilma Santos on son Ryan Christian Recto: "Mahilig siyang sumayaw at mahilig din siya sa music! He sings very well and plays drums."
PHOTO/S: Vilma Santos YouTube

GORGY RULA

Natutuwa ang Noranians kapag positibong kuwento ang ibinabalita tungkol kay Nora Aunor.

Nakaka-good vibes nga naman ang reunion nilang mag-iina nang sinorpresa ang Superstar ng kanyang mga anal na sina Ian, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon.

Pero wagas din sa good vibes ang vlog ng representative ng lone district ng Lipa at Star For All Seasons na si Vilma Santos-Recto.

Noong nakaraang Linggo, January 9, 2022 lamang in-upload ni Ate Vi ang kanyang vlog ng pagsalubong sa taong 2022. Mahigit 16 minutes ang haba nito kung saan sa bandang huli ng vlog ay sumasayaw sila ng bunsong anak niyang si Ryan Christian Recto.

Magaling palang sumayaw ni Ryan na, obviously, minana niya sa kanyang mommy. Maraming natuwa sa vlog na yun at may ilang nag-share nito sa Tiktok.

Natuwa si Ate Vi nang itinext ko sa kanya ang magandang feedback sa vlog niyang ito, at pinuri ang galing sa pagsasayaw ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wow! Salamat po sa lahat ng nanood! Proud of my son Ryan. Mahilig siyang sumayaw at mahilig din siya sa music!

"He sings very well and plays drums. Maganda ang boses. Lucky [Luis Manzano] can dance too… niloloko lang," text sa akin ni Ate Vi.

Kinatuwaan na raw ni Ate Vi ang pagba-vlog dahil nabibigyan siya ng chance na mag-communicate sa kanyang fans.

"Happy ako sobra sa vlog ko dahil nagkakaroon ako communication sa mga tao. Thank you sa lahat ng followers, subscribers. Thank you Gorgy.

"Marami pa akong mga content na nasa isip at excited to share with friends," dagdag niyang mensahe sa akin.

Siyempre, hindi lang sa pagba-vlog gusto nating mapanood ang Star for All Seasons kundi sa pelikula o sa isang TV show.

Kaya tinanong ko na rin siya kung totoong may napili na siyang script na gusto niyang isapelikula.

"Merong nagbibigay," pakli ni Ate Vi.

Hindi lang niya magagawa sa ngayon dahil sa sitwasyon natin na tumataas pa ang COVID cases.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"You are right… not only sa situation ng COVID, but also may trabaho pa ako. Congresswoman pa rin ako till May 2022. May trabaho pa hahaha!" dagdag niyang text sa akin.

NOEL FERRER

We have common friends in Ateneo at talagang well-loved si Ryan Christian doon sa pamantasan.

And if there’s anyone in the family of Ate Vi and Senator Ralph na mukhang susunod sa kanilang yapak, parang si Ryan Christian yun! Mukhang hindi lang sa pagsasayaw siya magaling kundi pati sa public speaking.

Talaga ngang nakakaaliw panoorin ang kanyang collab sa mga magulang niya at doon pa lang ay kakikitaan na si Ryan Christian ng kakaibang charisma.

I long for the time na finally matupad ni Ryan Christian ang pangako niyang magle-Level Up interview siya on various topics, at mukhang walang aatrasan ang batang ito, pati ang pagsayaw!!!

With due respect kina Sir Ralph at Luis… iba talaga ang Atenista! (Joke!)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Kinunan sa Punta Fuego ng Nasugbu, Batangas ang New Year vlog ni Ate Vi. Na-promote niya ang natural resources sa kanyang lalawigan, nag-enjoy pa ang Vilmanians For all Seasons sa pag-a-update niya.

"Gusto kong makita niyo po kung gaano kaganda po ang aming lalawigan. Ito rin po ang magandang lugar para mag-meditate, and at the same time pag kasama po ninyo ang inyong mga mahal sa buhay.

"Mahal ko po kayo kaya kasama ko po kayo rito!" sey ni Ate Vi.

Nakakaaliw maski iyong paglalakad ni Ate Vi after dinner, kung saan umaakbay sa kanya si Ryan Christian.

Pahayag ni Jojo Lim, na presidente ng Vilma Santos Solid International (VSSI) fans club, "Yung latest vlog ni Ate Vi about new year 2022 ay masaya and nakita natin ang Punta Fuego na ang ganda ng view and yung fireworks, bongga.

"Nakakatuwa si Ate Vi habang kumukuha ng pagkain at binabati ang mga kapamilya at kaibigan, enjoy lang na napakasimple ni Ate Vi and nagbibigay siya ng inspirasyon sa mga Pinoy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So far, most viewed sa vlogs ni Ate Vi iyong tungkol sa 29th wedding anniversary nila ni Senator Ralph Recto na in-upload noong Disyembre 19, 2021.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos on son Ryan Christian Recto: "Mahilig siyang sumayaw at mahilig din siya sa music! He sings very well and plays drums."
PHOTO/S: Vilma Santos YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results