Imposible nang makabalik sa sariling bayan si Miss Universe 2023 Shyennis Palacios.
Kinumpirma ito ng La Prensa, ang pangunahing pahayagan sa Nicaragua, sa ulat na nailathala ngayong Lunes, Mayo 13, 2024,
Read: Sheynnis Palacios di pa nakakabalik ng Nicaragua matapos manalong Miss Universe 2023
Ito ang headline ng ulat ng La Prensa: "Dueña de Miss universo confirma la salida de la familia de Sheynnis Palacios de Nicaragua y el imposible regreso a su patria dela Miss."
Sa wikang Ingles: "Miss Universe Owner Confirms the Departure of Sheynnis Palacios' Family from Nicaragua and the Impossible Return to Her Homeland."

ANNE JAKRAJUTATIP'S MOTHER'S DAY POST
Ang Mother’s Day post sa social media ni Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip, noong Mayo 12, 2024, ang ginamit na basehan ng La Prensa sa diumano’y "indefinite exile" ng Nicaraguan beauty queen.
Nakasaad sa ulat ng La Prensa na kinumpirma ni Jakrajutatip ang pag-alis ng lola at kapatid na lalake ni Shyennis mula sa Nicaragua.

Sheynnis with her brother and grandmother
May kinalaman umano ang administrasyon ni Nicaraguan President Daniel Ortega sa pagpapatapon sa ibang bansa ng 23-year-old beauty queen dahil sa tagumpay nito sa 72nd Miss Universe na ginanap sa El Salvador noong Nobyembre 18, 2023.
Ibinalita ng La Prensa na bago pa naglabas ng social media post si Jakrajutatip, usap-usapan na ang pag-alis sa Nicaragua ng lola at kapatid ni Sheynnis sa bisa ng humanitarian parole para magkasama-sama sila.
Napatunayang totoo ito dahil sa isiniwalat ng kontrobersyal na may-ari ng Miss Universe Organization.
Mensahe ni Anne para kay Sheynnis: “You are one of the greatest examples of the butterfly girl with the broken wings who never surrendered with the wrong doing, disrespectful and cruel intention of any authoritarian.
“You are brave, strong and intelligent but yet very humble and hard working to look after your mom and the whole family who are all outside motherland now.
"Thank you for honoring my leadership, management and advisory direction to the point that you now call me ‘Mother Anne.’”
[instagram:
View this post on Instagram
]
MISS NICARAGUA IN PH
Ginamit ng La Prensa sa balita ng indefinite exile ni Sheynnis ang video na kuha sa motorcade sa bandang Mall of Asia, dito sa Pilipinas, noong Mayo 5, 2024, na nagpapakita sa reigning Miss Universe na umiiyak habang yakap-yakap ang watawat ng Nicaragua.
Bumisita si Sheynnis sa Pilipinas mula Mayo 1 hanggang Mayo 7 bilang bahagi ng kanyang Asia Tour.
Hindi nakontrol ni Sheynnis ang damdamin nito nang makita ang libu-libong Pilipino na nag-aabang sa kanyang motorcade at binigyan siya ng mainit na pagtanggap.
Read: Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios, napaluha sa Pinoy pageant fans
Napaiyak si Sheynnis sa importansiyang ipinagkaloob ng mga Pilipino dahil, mula nang manalong Miss Universe 2023, hindi pa siya nakakauwi sa Nicaragua at hindi pa rin siya nagkakaroon ng homecoming parade.
Epekto ito ng pagkakasangkot niya sa mga usaping pulitika sa kanyang bayang sinilangan.
Bumisita si Sheynnis sa Pilipinas mula Mayo 1 hanggang Mayo 7 dahil kabilang ang ating bansa sa kanyang Asia Tour.
sheynnis palacios issue in nicaragua
Tahimik si Palacios tungkol sa isyu.
Pero noon palang manalo siya ng Miss Universe 2023 ay nakaramdam na ng pagkabahala ang kanyang mga kababayan sa magiging reaksiyon ng kanilang gobyerno.
Ito ay dahil muling lumutang sa social media ang litrato ni Palacios nang sumali ito at ang kanyang asawa sa isang kilos-protesta laban sa pamahalaan nila noong 2018.
Social communications graduate si Palacios sa Jesuit Central American University na ipinasara noon ni Ortega dahil sa mga estudyanteng kritiko ng kanyang pamamalakad.
Nang manalo siya bilang Miss Universe 2023, naghatid ng liwanag ng pag-asa si Palacios sa Nicaragua nang manalo itong Miss Universe 2023.
Sumugod sa mga kalye ang mga Nicaraguan para ipagbunyi ang kanyang tagumpay.
Isinigaw nila ang pangalan ng beauty queen habang iwinawagayway ang mga mini-flag ng Nicaragua—na isang paglabag sa mga utos ni Ortega, ayon sa opinion columnist na si Xavier Ruiz Ribes ng La Prensa Nicaragua.
Bahagi ng kanyang panulat: “Since the end of 2018, there had not been a display of national flags like this. The reason is simple: waving it publicly can land you arrested and spent months or years behind bars.
“A gesture as seemingly innocuous as shouting 'Viva Nicaragua Libre' in streets is a crime.
"But it seemed that they all kept the proof of the charge in their cupboards and drawers, and as soon as the opportunity arose to show it again, the colors blue and white returned to occupy the towns and cities of half of the country."
Ang opinion writer ng La Prensa Grafica na si Fidel López Eguizábal ay matapang ding naghayag na si Palacios ay nagsilbing simbolo ng adbokosiya para magkaroon ng equal opportunities para sa kababaihan, taliwas sa kawalan umano ng demokrasya sa pamamalakad ng kanilang gobyerno.
"Your reign is a hopeful message, you mentioned the English writer Mary Wollstonecraft, who in the seventeenth century was already advocating equal opportunities for women.
“You know well that your country, Nicaragua, is being questioned for not following the straight line of democracy.”
Related Stories:
- Pagkapanalo ni Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios, nagbulgar sa political issues sa Nicaragua
- Anne Jakrajutatip’s reaction to Miss Universe 2023 announcement goes viral
- Sheynnis Palacios on Miss Universe 2023 win: “It's history for my country.”
- Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios at Miss Universe 2018 Catriona Gray, parehong produkto ng Miss World
- Mga kababayan ni Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios sa Nicaragua, nabiktima ng fake news
- Maris Racal jokes about twinning with Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios
- FULL TRANSCRIPT: Winning answer of Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios