PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tamang Manalo ba ang nanalong Miss Universe Philippines 2024?

Iba pang sidelights sa Miss Universe Philippines 2024 grand coronation...
Published May 23, 2024
chelsea manalo ahtisa manalo miss universe philippines 2024
THE TWO MANALOS: Chelsea Manalo (left) of Bulacan wins the Miss Universe Philippines 2024 crown, which many predicted will go to Ahtisa Manalo (right) of Quezon Province, who finished second runner-up.
PHOTO/S: Nikko Tuazon

Isang Manalo ang nanalo sa Miss Universe Philippines 2024.

Pero si Chelsea Manalo at hindi si Ahtisa Manalo ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2024.

Read: Dark horse Chelsea Manalo wins Miss Universe Philippines 2024

chelsea manalo miss universe philippines 2024
Photo/s: Nikko Tuazon

Marami ang hindi makapaniwalang ang 24-year-old na kandidata ng lalawigan ng Bulacan ang magwawagi dahil si Ahtisa ng Quezon Province ang pinapaboran, humakot ng special awards, at pinapalakpakan nang malakas ng mga tao sa tuwing lumalabas siya sa entablado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumagundong sa loob ng Mall of Asia Arena ang malakas at iba’t ibang reaksiyon ng manonood nang tawagin ang kinatawan ng Quezon Province bilang second runner-up dahil ikinagulat nila ang resulta.

ahtisa manalo miss universe philippines 2024
Photo/s: Nikko Tuazon

Ganoon din ang kanilang inasal sa anunsiyo na ang dark-horse candidate ng Bulacan ang Miss Universe Philippines 2024 winner.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I'm so tensed," sabi ng isa sa mga host ng grand coronation na si Alden Richards bago niya isinigaw ang lalawigan ng kalahok na nanalo.

alden richards miss universe philippines 2024
Alden Richards
Photo/s: Nikko Tuazon

Isa itong malaking sorpresa sa lahat kaya muling umalingawngaw ang nakabibinging hiyawan ng mga nanood na pumuno sa Mall of Asia Arena, na patunay na nananatiling nangunguna at prestihiyoso ang beauty pageant na pumipili ng kandidata na ipadadala ng Pilipinas sa Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: FULL TRANSCRIPT: The winning answer at Miss Universe Philippines 2024

MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2024 SIDELIGHTS

Eksaktong 8:23 p.m. ng Mayo 22, 2024, Miyerkules, nang mag-umpisa ang Miss Universe Philippines 2024.

Natapos ito ng madaling-araw ng Mayo 23, Huwebes, dahil tumagal ng limang oras ang koronasyon.

Pero gising na gising at halos hindi nagpakita ng pagkainip ang MOA audience na tinapos ang programa.

Kasama ni Alden na nag-host ng Miss Universe Philippines 2024 sina Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel, Kapuso actress Gabbi Garcia, eventologist-TV host Tim Yap, at ang American TV personality na si Jeannie Mai.

Isinabuhay mabuti ni Jeannie ang bansag sa kanyang fashion expert dahil sa maraming beses na pagpapalit niya ng mga damit sa bawat segment ng coronation night.

r'bonney gabriel jeannie mai miss universe philippines 2024
R'Bonney Gabriel and Jeannie Mai
Photo/s: Nikko Tuazon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read: Miss Universe Philippines 2024 scene stealers, trending candidates, and bloopers

MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2024 GRAND CORONATION TIMELINE

9:44 p.m. nang magsimula ang swimsuit competition ng Top 20 semifinalists. Ang mga kandidata ng Iloilo, Quezon Province, Bulacan, at Palawan ang tumanggap ng malalakas na palakpakan.

10:34 p.m. ang announcement ng Top 10 candidates.

11:15 p.m. ang panayam nina R’Bonney at Jeannie kay outgoing Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.

michelle dee r'bonney gabriel jeannie mai miss universe philippines 2024
R'Bonney Gabriel, Michelle Dee, and Jeannie Mai
Photo/s: Nikko Tuazon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

11:24 p.m. ang evening gown competition.

12:07 a.m. ang Top 5 announcement.

1:18 a.m. ang deklarasyon ng nagwagi at ng kanyang mga runner-up.

ALEXIE BROOKS

Si Alexie Brooks ng Iloilo ang isa sa mga paborito na kandidata at hinuhulaang mananalo ng korona, pero hindi siya pumasok sa Top 5.

Ang unflattering green gown na ginamit ni Brooks sa evening gown competition ang sinisisi sa pagkakaligwak niya sa Top 5.

Pero hindi siya umuwing luhaan dahil sa kanya ibinigay ang koronang Miss Eco International Philippines 2024.

Read: Ahtisa Manalo, Alexie Brooks also win beauty titles at Miss Universe Philippines 2024

alexie brooks miss universe philippines 2024
Alexie Brooks
Photo/s: Nikko Tuazon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"VIVAMAX MOMENT"

May Vivamax moment” ang ilan sa mga kandidata sa evening-gown segment dahil sa kanilang mga sultry pose na kinaaliwan nang husto ng manonood sa MOA.

Nagmistulang Project: Runway at fashion show ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2024 dahil sa mga kakaiba at nakikipag-agawan ng atensiyong pananamit ng mga “wannabe-seen people” na naghatid ng karagdagang-aliw sa panonood sa Mall of Asia Arena.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
THE TWO MANALOS: Chelsea Manalo (left) of Bulacan wins the Miss Universe Philippines 2024 crown, which many predicted will go to Ahtisa Manalo (right) of Quezon Province, who finished second runner-up.
PHOTO/S: Nikko Tuazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results