Ang Alcasid Total Entertainment and Artist Management Inc. o ATEAM, management company ng singer at songwriter na si Ogie Alcasid, ang producer ng reunion dance concert ng Streetboys na magaganap sa Nobyembre 8, 2024 sa New Frontier Theater, Araneta City, Cubao, Quezon City.
Read: Ogie Alcasid, ipo-produce ang reunion concert ng Streetboys
Ipinagdiriwang ng Streetboys ngayong 2024 ang ika-31 anibersaryo ng sikat na grupo nila kaya nagpapasalamat sila kay Ogie dahil sa tiwala nito na ibinigay sa kanila.
Nagsama-sama ang Streetboys sa trade launch na ginanap sa Bonifacio Global City, Taguig, noong Huwebes, Mayo 23, 2024, at dinaluhan ng entertainment media at mga sponsor.

COMPLETE STREETBOYS MEMBERS
Si Vhong Navarro ang naging tagapagsalita ng grupo at tiniyak niyang kumpleto ang mga miyembro ng Streetboys sa kanilang dance concert sa Nobyembre 8.
Read: Vhong Navarro reunites with Streetboys members after his release
“Kumpleto kaming sasayaw,” sabi ni Vhong na hindi nagpakita ng hingal o kapaguran pagkatapos ipamalas sa mga bisita ang isa sa mga sayaw na gagawin nila sa kanilang reunion dance concert.
“Yung mga nasa London, sina Spencer [Reyes] at Michael [Sesmundo], uuwi po sila. Meron din po kaming miyembro sa Dubai na si Joseph [De Leon], uuwi rin po siya at saka si Sherwin [Roux] na nasa Canada, uuwi po rin siya kaya buo ang Streetboys para sa inyong lahat.”
Read: WATCH: Vhong Navarro and Streetboys perform at Vhong's wedding
View this post on Instagram
Inimbitahan naman ni Jhong Hilario ang lahat na suportahan ang kanilang pagtatanghal na gagawin. Bukod sa reunion ng Streetboys, may mga imbitadong special performer.
Sumabay sa takbo ng panahon ang Streetboys, at mapapansin ito sa klase ng kanilang pananamit ngayon na bahagi ng reinvention nila bilang mature at respected dancers.
Ang direktor na si Chito Roño ang bumuo sa Streetboys noong 1993 na kinilala bilang isa sa mga mahuhusay na grupo ng mga kabataang lalake na mananayaw.
Read: Galawang '90s: top local dance groups reunite for benefit concert
DANILO BARRIOS
Sa mga miyembro ng Streetboys, sina Vhong at Jhong na lamang ang aktibo sa showbiz dahil iba na ang mga tinahak na landas nina Spencer, Nicko Manalo, Joey Andres, Danilo Barrios, at Meynard Marcellano.
Matagal nang naninirahan si Danilo sa Tarlac at ikinuwento niya sa Cabinet Files, kasama ang kanyang pamilya, lumuwas sila sa Maynila para sa media conference ng ATEAM para dance concert ng Streetboys.
Natutuwa si Danilo dahil muli silang magkakasama ng kanyang mga kaibigan sa isang malaking show kaya naghahanda siya na mabuti.
Isa si Danilo sa mga popular na miyembro ng Streetboys, matagal na naging aktibo sa pag-arte.
Pero sa huli, pinili niya ang pribadong pamumuhay at ibinuhos ang atensyon sa negosyo nila sa Tarlac ng kanyang asawa.