Sanitized version ng interbyu nina Shaira Diaz at Arnold Clavio kay Jayson Luzadas, aka Boss Toyo, ang mapapanood sa YouTube channel ng Unang Hirit.
Ito ay dahil sa mga sinabi ng sikat na social media personality tungkol sa original Encantadia star na si Diana Zubiri sa live broadcast ng early morning program ng GMA-7 ngayong Biyernes, May 24, 2024.
Read: Boss Toyo, proud sa collection ng Pinoy showbiz memorabilia
Ang pagbili ni Boss Toyo sa mga kagamitan ng mga artista sa mataas na halaga, dahil maituturing na collectibles para sa kanyang Pinoy Pawnstars, ang paksa ng pag-uusap nila nina Arnold at Shaira.
Ang mga costume ni Karylle bilang Alena at ni Diana bilang Danaya sa Encantadia, na makikita sa lobby ng GMA Network building, ang pinapresyuhan nina Arnold at Shaira kay Boss Toyo.
Sabi ni Boss Toyo, “Ganito po talaga yung mga gusto kong binibili. Yung mga gamit sa post-production, shows.
"Actually may nabili na ako na Encantadia map. Nabili ko yata parang mga PHP30,000.”
Sinabi ni Boss Toyo na PHP300,000 ang kanyang sagad na presyo para sa Alena costume ni Karylle na ginamit nito sa Encantadia, ang sikat na primetime telefantasya ng GMA-7 noong 2005.
Read: Abegail Rait, daughter Cheska donate old photographs taken by the late Francis Magalona
BOSS TOYO ON DIANA ZUBIRI'S DANAYA COSTUME
Nang tanungin tungkol sa presyo ng Danaya costume ni Diana na ibabayad niya, nagtawanan ang mga tao sa loob ng studio sa studio sa sagot ni Boss Toyo.

“Sobrang idol ko ito noong kabataan ko. Tumangkad ako dito. Tumangkad ako!” bulalas ni Boss Toyo, na natawa rin at napapalakpak sa kanyang sinabi.
Dagdag pa niya, “Kapag dinala po niya sa akin, kung sino po, kunyari ng production, mga PHP400,000.
"Pero kapag si Diana ang nagdala sa akin, baka PHP500,000.
“Sasagad ko po kapag nakita ko si idol. Diana Zubiri, sobrang idol ko yan.”
Natatawang reaksiyon naman ni Arnold, “Mukhang gusto mong kunin ang damit ni Danaya. Kaya pala ang kinis ng mukha nito.
"Anjo, kanino ka tumangkad?" tanong pa ng veteran broadcaster sa kanilang co-host na si Anjo Pertierra.

Kasunod nito ang disclaimer ni Arnold: “Just for fun lang ito mga Kapuso.
"Hindi po natin ibebenta yung costume ng mga Sangg’re. Ito po ay para lang subukan natin kung magkakano siya ituturing talaga ni Boss Toyo.”
Read: The making of Encantadia: how it came to be, what was the original story
Hindi na mapapanood sa YouTube channel ng Unang Hirit ang "titillating reaction" ni Boss Toyo tungkol kay Diana dahil nagkusa ang channel administrator na alisin ang naturang eksena.
Pero may netizens na nakapag-record nito kaya napag-uusapan ang kanyang rebelasyon.