Muling pinag-uusapan sa social media ang pagbabalik ni Abegail Rait at anak nitong si Gaile Francesca sa YouTube vlog ng Pinoy Pawnstars para i-donate ang ilan pang naiwang memorabilia ng yumaong rapper, actor, at TV host na si Francis Magalona.
Si Abegail ang babaeng nagpakilalang dating karelasyon ni Francis.
Si Gail Francesca, na may palayaw na Cheska, ang bunga umano ng inilihim nilang pagmamahalan ng Master Rapper.
Read: Babaeng nakarelasyon umano ni Francis M., muling lumantad para ipakilala ang kanilang anak
Kuwento ni Abegail sa vlogger na si Boss Toyo, na siyang may-ari ng Pinoy Pawnstars, nitong Miyerkules, March 20, 2024, noong nabubuhay pa si Francis ay mahilig itong kumuha ng mga larawan.
Para patunayan, dinala pa ni Abegail ang ilang pictures na kuha raw mismo ng namayapang rapper noong sila'y magkasamang nag-travel.
Kabilang na rito ang mga kuhang litrato nang magbakasyon sila sa Vietnam, Pampanga, at Cebu.
Makikita pa sa mga larawan ang nakasulat sa ibaba nito na "Ano Lagam," na ayon kay Abegail ay kabaliktaran ng salitang Magalona.
Paliwanag niya, "Member kasi siya ng Camera Club of the Philippines, of course, mahilig siya sa photography kaya siya member doon.
"Those photos [were] captured during our trips together."
Read: Abegail Rait, who claims she had a past with Francis M., fails barangay kagawad bid in Imus, Cavite
token of appreciation
Imbes na ibenta ng PHP600,000, naisip daw ni Abegail na i-donate na lang ito para mai-preserve sa musuem ni Boss Toyo.
Ani Abegail, "Gusto ko lang talaga itong ibigay sa inyo as token of appreciation.
"Gusto namin kasi i-share sa pamamagitan mo ulit itong memorabilia na ito,and siyempre looking forward pa rin ako sa, ayan na nga, sa itinatayo mong museum.
"We'd like to be part of your museum, itong memorabilia na ito."
Bukod sa pagbibigay ng libreng memorabilia, nais daw ni Abegail na personal na magpasalamat kay Boss Toyo na naging daan para makilala ng publiko si Cheska, ang anak nila ni Francis.
Sabi niya, "Gusto kong mag-thank you sa inyo for being part of Pinoy Pawnstar success in 2023.
"Nag-open kasi yon ng a lot of opportunities para sa kanya [Cheska] and siyempre dahil dun, as promised, nakapagpundar kami ng small business."
Read: Anak umano ni Francis Magalona kay Abegail Rait, pinaghahandaan na ang pagpasok sa showbiz
Ang tinutukoy ni Abegail ay ang unang paglabas nila ni Cheska sa vlog ng Pinoy Pawnstar noong October 17, 2023, para ibenta ang naiwang jersey ni Francis at ibunyag ang lihim nila noong pagmamahalan.
Ang rebelasyong ito ay ikinagulat ng netizens, lalo na ng mga tagahanga ni Francis na ang alam ay maayos ang pagsasama nila ng asawang si Pia Magalona.
Read: Frank Magalona likes netizen's post calling Abegail Rait "homewrecker, mistress"
Dito na nagsimulang ulanin ng kaliwa’t kanang pambabatikos si Abegail at ang ipinakilala niyang anak nila ni Francis na si Cheska.
Maraming netizens ang kinukuwestiyon kung bakit daw pumayag ang dating flight attendant na si Abegail na maging karelasyon ni Francis gayong alam niyang kasal ito kay Pia at may anim silang anak—sina Maxene, Frank, Saab, Elmo, Arkin, at Clara Magalona.
Ilang linggo lang din ang lumipas matapos nilang pag-usapan online ay inanunsiyo ni Cheska ang hangarin niyang pasukin ang mundo ng showbiz.
Sa edad daw kasi na tatlo ay hilig na niya ang pagkanta at pagsasayaw.
Sa ganitong paraan daw ay maipagpapatuloy rin niya ang legacy ng ama niyang si Francis M.
Read: Alleged love child of Francis Magalona speaks up: “I am my father’s daughter.”
