PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anak ni Andi, nagpamalas ng "Jaclyn Jose school of acting"

Andi Eigenmann, inalala ang relasyon sa pumanaw na inang si Jalcyn Jose.
by Jojo Gabinete
Published May 30, 2024
andi eigenmann family on the the bach
Andi Eigenmann (center) with husband Philmar Alipayo (second from right) and children Lilo (extreme left), Ellie (second from left), and Koa (extreme right) on the beach in La Union for Andi's interview on My Mother, My Story.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Si Andi Eigenmann ang espesyal na panauhin ni Boy Abunda sa ikalawang kabanata ng My Mother, My Story, ang limited talk series ng King of Talk na mapapanood sa GMA-7 sa Hunyo 9, 2024, ganap na 3:15 ng hapon.

Read: Luis Manzano may rebelasyon tungkol sa inang si Vilma Santos

Mula sa tahanan nila sa Siargao, lumipad sa Maynila si Andi at ang tatlong anak niya na sina Ellie, Lilo at Koa, kasama ang kanyang fiancé na si Philmar Alipayo, noong Mayo 28.

Nangyari ang panayam ni Boy kay Andi sa isang beach resort sa San Fernando City, La Union.

Ang relasyon ng aktres sa kanyang pumanaw na ina na si Jaclyn Jose ang paksa ng kanilang pag-uusap.

Ang paglabas ni Andi sa My Mother, My Story ang unang pagkakataong nagsalita siya nang detalyado at nagbigay-pugay kay Jaclyn na pumanaw noong Marso 2, 2024.

Read: Andi Eigenmann bids goodbye to mother Jaclyn Jose: "Nasa paraiso ka na, Nanay. Pahinga ka na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
andi eigenmnn boy abunda my mother, my story
Andi Eigenmann opens up about her late mother Jaclyn Jose in her interview with Boy Abunda for My Mother, My Story
Photo/s: Jojo Gabinete

koa IS TRULY JACLYN JOSE'S GRANDSON

Taing 2017 nang magdesisyon si Andi na talikuran ang showbiz.

Hindi siya nagsisisi dahil naaalagaan at nasusubaybayan niya ang paglaki ni Ellie at ng mga anak nila ni Philmar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Andi Eigenmann and daughter Ellie to reside in both Manila and Siargao

Ang pagkakaroon ng disiplina ang unang mapapansin sa mga anak nina Andi at Philmar na patunay ng kanilang maayos na pagpapalaki.

Hindi sila maiingay katulad ng ibang mga bata, pero lumitaw ang kanilang kakaibang sigla nang makita nila ang dagat.

May isang insidente na kinuha ni Philmar si Lilo at isinakay nito sa kanyang surfboard para mag-surfing.

Nang makita ni Koa ang eksena, nagtampo siya pero hindi nagwala o pumalahaw nang iyak.

Tahimik na naglakad sa dalampasigan ang three-year-old son nina Philmar at Andi habang tumutulo ang mga luha niya—na tila kumpirmasyong apo talaga siya ni Jaclyn.

Hinabol at inalo si Koa ng production staff ng My Mother, My Story, na tuwang-tuwa sa kanya at sa ipinamalas niyang "Jaclyn Jose school of acting."

Read: How Andi Eigenmann gets her kids excited to do household chores

koa alipayo beach
Koa, the three-year-old son of Andi Eigenmann and Philmar Alipayo, on the beach at La Union
Photo/s: Jojo Gabinete
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

LILO'S ADMIRABLE HABIT

May isang anekdota naman si Andi tungkol kay Lilo, ang four-year-old daughter nila ni Philmar.

Ang pag-aalis ng tsinelas bago pumasok ng bahay ang isa sa mga kaugaliang Pilipino na itinuro nina Andi at Philmar sa kanilang mga anak.

Nang magbakasyon ang mag-anak sa Bali, Indonesia, nagpunta sila sa isang convenience store at sa murang edad, pinahanga ni Lilo ang isang foreigner na tuwang-tuwa dahil nakita nito na hinubad ng bata ang suot na tsinelas bago pumasok sa tindahan.

Gaya ng kanyang mga anak, nakaugalian na ni Philmar ang maghubad ng suot na tsinelas o sapatos sa tuwing pumapasok siya sa loob ng mga bahay.

Ikinuwento ni Andi na noong nagsisimula pa lamang ang kanilang relasyon, binisita siya ni Philmar sa set ng pelikulang ginagawa niya noon.

Nagulat ang production staff nang hubarin ng kanyang boyfriend ang suot na sapatos bago ito pumasok.

Hindi kinuwestiyon ni Andi ang inasal ni Philmar dahil iginagalang at tanggap na tanggap ang nakagisnang tradisyon ng kanyang karelasyon na nakasanayan na rin niyang gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andi Eigenmann (center) with husband Philmar Alipayo (second from right) and children Lilo (extreme left), Ellie (second from left), and Koa (extreme right) on the beach in La Union for Andi's interview on My Mother, My Story.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results