PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Darren Espanto, napaluha sa kanyang 10th anniversary concert

Darren, natupad ang matagal nang pangarap.
by Jojo Gabinete
Published Jun 2, 2024
Darren Espanto in suit and in glittered shirt at his 10th anniversary concert D10.
"Hindi lahat nakapagsasabi nito, but I waited my whole life for this," pagbabahagi ni Darren Espanto sa kanyang 10th anniversary concert na D10 kahapon, June 1, 2024, sa Araneta Coliseum.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Hindi nagsisinungaling si Erik Santos nang sabihin niya kay Darren Espanto: “You are the best male performer of your generation."

Mahusay kasi talaga ang ipinamalas na pagkanta at pagsayaw ng 23-year-old singer actor sa D10, ang kanyang 10th anniversary concert, na naganap noong Sabado, Hunyo 1, 2024, sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

Walang kapaguran, hindi kinakitaan ng paghingal at lalong hindi nagbago ang timbre ng boses ni Darren sa kanyang anniversary concert.

Katuparan din ng kanyang pangarap na makapagtanghal sa Araneta Coliseum.

"Hindi lahat nakapagsasabi nito, but I waited my whole life for this. Bata pa lang ako, gusto ko nang isigaw ito. Kaya heto na ang moment ko, ‘Good evening Araneta!’” ang maligayang-maligayang sabi ni Darren matapos ng kanyang opening number.

“Wow, ang sarap talaga ng feeling! Puwede bang isa pa, yung may energy guys? Puwede po? Okay, 'Good evening Araneta!!!'

“Maraming salamat po! Welcome to my 10th anniversary concert, this is D10!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam ninyo po, I performed a lot of times in this iconic and historic venue, pero first time ko po mag-solo concert dito, and perfect timing po talaga because I’m celebrating my tenth anniversary as well in showbiz, at saka surreal po talaga yung pakiramdam, e.

“Talagang nandito na ako like the younger Darren would have never known that he would be performing in this coliseum for his tenth year in showbiz. So, thank you so much.

"This is not just my anniversary I’m sharing with all of you. This is also a milestone to all of you who have supported me since day one,” ang dagdag na deklarasyon ni Darren, na tuwang-tuwa at paulit-ulit ang pasasalamat sa lahat ng mga nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

DARREN'S STAR-STUDDED GUEST LINEUP

Sina Erik, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Lyca Gairanod, Sarah Geronimo, at Martin Nievera ang mga espesyal na panauhin ni Darren sa D10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Ogie Alcasid, Darren Espanto, Gary Valenciano, and Erik Santos at the D10 concert.
Ogie Alcasid, Darren Espanto, Gary Valenciano, and Erik Santos at the D10 concert.
Photo/s: Jojo Gabinete
Sarah Geronimo and Darren Espanto at the D10 concert.
Darren sings with his The Voice Kids Philippines coach Sarah Geronimo.
Photo/s: Jojo Gabinete
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Martin ang "front act” ni Darren, at hindi man nakarating nang personal dahil nasa Amerika ito, ipinakita ang pre-recorded performance ng Concert King.

Hindi nakaligtaan ni Martin ang pangako na magkakaroon siya ng partisipasyon sa concert ni Darren, na front act sa show niya sa Canada, noong maliit na bata si Darren at hindi pa sumasali sa The Voice Kids Philippines.

Napaiyak si Darren dahil hindi nito inasahan na aakyat din ng entablado at kakanta ang mga magulang niyang sina Marinel at Lyndon habang inaawit nila ng kanyang kapatid na si Lynelle ang "Because You Loved Me."

Isang malaking sorpresa para kay Darren ang ginawa ng mga magulang kaya hindi niya napigilang mapaluha.

Darren Espanto joined onstage by his parents Marinel, Lyndon, and sister Lynelle.
Darren Espanto joined onstage by his parents Marinel, Lyndon (flanking him) and sister Lynelle.
Photo/s: Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May duet number si Darren sa sarili dahil sinabayan niya sa pag-awit ang video na ipinakita nang kantahin niya sa semi-finals ng The Voice Kids Philippines noong Hulyo 2014 ang "One Moment in Time."

Tumanggap ito ng malakas na palakpakan mula sa mga nanonood sa loob ng Araneta Coliseum.

DARREN OVERWHELMED BY PRESENCE OF FRIENDS AND KAPAMILYA FAMILY

Nakadagdag sa kaligayahan ni Darren ang kanyang mga kaibigang sinuportahan at pinanood ang D10—sina Enchong Dee, Kathryn Bernardo, Robi Domingo, Denise Laurel, Belle Mariano, ang pamilya ni Sylvia Sanchez, ang businesswoman na si Pinky Tobiano, ang mag-asawang Dr. Hayden Kho Jr. at Dra. Vicki Belo at ang executives ng home studio niya, ang ABS-CBN.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi lahat nakapagsasabi nito, but I waited my whole life for this," pagbabahagi ni Darren Espanto sa kanyang 10th anniversary concert na D10 kahapon, June 1, 2024, sa Araneta Coliseum.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results