Trigger Warning: Description of violence
Ang pagkakaroon noon ng anger management issue ang isa sa mga isiniwalat ni Sid Lucero sa media conference ng pelikulang Karma na naganap sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City, nitong Miyerkules ng hapon, Hunyo 5, 2024.
Ikinagulat ng mga dumalo sa press conference ng Karma ang mga rebelasyon ng aktor dahil matitindi ang mga ginawa nito noong nahihirapan pa siyang kontrolin ang mabilis na pag-init ng kanyang ulo.
Read: Sid Lucero, nang-shock ng mga katrabaho
Nasubukan daw noon ni Sid na butasin ang gulong ng mga sasakyan ng ibang mga tao dahil nag-away sila ng kanyang girlfriend.
“Anger management? My God, where do we start? I had a really, really bad temper. It’s really bad, like, I went to anger management,” sabi ni Sid.
Pagsisiwalat pa ng aktor, “I’ve hurt people.
"If I had a fight, let’s say with my girlfriend, I get a puncher, every car from my car to... butas lahat ng tires. Hindi ko naman siya masaksak kaya sa kotse na lang lahat.
"Seryoso, it was really bad."
Ang panununtok ng isang lalakeng lumapit sa kanya dahil gusto ng litrato na kasama siya ang natatandaan ni Sid na pinakagrabe sa mga ginawa niya noon.
Lahad niya, “There was this one time, I was having a fight with my girlfriend and I needed to pee, so I went to gas station and peed.
"And then this guy goes, ‘Puwedeng pa-picture?’ I punched him so hard, his eyeball burst.
"It was really bad so I went to anger management.
"And then I found out, it wasn’t really anger management, it was just taking too much substances."
Read: Sid Lucero, mas nadadalian sa love scene sa kapwa lalake kesa babae
SID LUCERO IS NOW A CHANGED MAN
Malaki na raw ang ipinagbago ng ugali ni Sid dahil sa maraming bagay na kanyang napagtanto.
Saad niya: “And then you grow up, and then you realized that the world is bigger than yourself and your own ego.
“But anyway, I learned to handle everything better.
"I think my ego was the biggest problem. I was angry about everything.
"And I didn’t like stupidity. Stupidity pisses me off.
“Then you learn to take a break and step back.
"And like I said kanina, you learn that the world is bigger than yourself, your daughter is born, you realized that every action that you make is going to ripple down generations.
“Now, I can say I think I’m okay ‘coz I’m getting jobs and people love me.”
Read: Sid Lucero on Jaclyn Jose: "Tita Jane is not just Tita Jane. She’s one of my other moms."
RHEN ESCANO ON SID LUCERO
Si Rhen Escaño ang lead star ng Karma at co-star ni Sid sa pelikula na magbubukas sa mga sinehan sa Hunyo 19.
Nang matapos magkuwento si Sid tungkol sa anger management issues niya noon, hindi napigilan ni Rhen ang sariling magsalita tungkol sa mga napansin niyang malaking pagbabago sa ugali ng aktor.
Sabi ni Rhen, “Gusto ko lang dagdagan yung sinabi ni Sid.
"Gusto ko pong itsismis sa lahat ng mga tao na nandito, si Sid po ngayon, kung nasaaan man siya ngayon ng state ng buhay niya, ito po yung pinakamaaliwalas niya, pinakamagaan, as in parang may something na ang aliwalas.
"Akala ko sinasaltik siya or pumipitik siya sa set, hindi po. Hindi na siya ganoon ngayon. May ray of light…"
Magkasama rin sina Sid at Rhen sa Lumuhod Ka sa Lupa, ang action-drama series ng TV5.