May nakakahiyang karanasang nangyari kay Edu Manzano noong Sabado, Hunyo 8, 2024, pero ang pulis na pumara sa driver ng kanyang sasakyan ang napahiya nang husto at dapat imbestigahan ng kinauukulan.
Watch: You have to see these stunning art pieces in Edu Manzano's house!
Ibinahagi ni Edu sa kanyang X account ang insidenteng nagpapakita ng bulok na sistema at nakasisira sa organisasyon na pinaglilingkuran ng motorcycle cop.
Nagtangka itong kotongan—o hingan ng pera— ang driver ng aktor na nasangkot sa isang traffic violation.
"My driver was just stopped by a motorcycle cop on Roxas Boulevard. I was sitting in the back while he approached my driver and told him on his violation.
"Illegal U-turn.
"Yes, my driver made a mistake, but what upset me more was when he demanded P4K from my driver or else…."

READ:
Edu Manzano on son Luis's legal battle: "I don't need to defend him. He's his own man."
Edu Manzano, bakit lumuhod sa kalye noon para kay Maricel Soriano?
EDU MANZANO ADMITS, "I LOST IT!"
"I lost it! I had to confront the cop."
Pataas daw nang pataas ang hinihingi ng motorcycle cop.
"He started w/ a seminar," ani Edu, "then P2K, then P4K. All the while I was in the back listening while he threatened my driver."
Paglalahad pa ni Edu, "I did not mince words."
Nabigla ang pulis nang makita nitong si Edu ang pasahero ng driver na hinihingan niya ng pera.
"Boss Edu!" ang bati ng pulis kay Edu.
Nagtangka pa raw ang pulis na "i-fist bump" ang aktor, na lalong ikinainis ng huli.
"Gusto pa mag-fist bump. Kambyo bigla. Lalo ako pumitik!"
Naisip pa ni Edu, "I should have let it go. I didn’t."
Narindi raw kasi talaga siya sa ginawa ng pulis.
Nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Edu ngayong Linggo, Hunyo 9, 2024, at hiningi namin ang kanyang pahintulot na isulat sa PEP ang karanasan niya.
Pumayag siya.
Pero dagdag ni Edu sa Cabinet Files: "Definitely not my finest moment.
"At one point, napahiya ako na pinagalitan ko siya—but at the same time, I’m asking kung ganito na ba talaga ang lakaran."
Hindi maitago ni Edu ang pagkadismaya: "Harap-harapan!”
Hindi nakunan ni Edu ng video ang kasumpa-sumpang inasal ng pulis.
Pero nagawa niyang i-record ang naganap na pag-uusap kaya walang lusot ang akusado dahil sa ebidensyang hawak ng aktor.
"Na-audio ko kasi siya and I keep replaying it," ani Edu.
EDU, MAGSASAMPA BA NG KASO LABAN SA PULIS?
May dilemma ngayon si Edu dahil nagtanong ang Cabinet Files kung may aksyon ba siyang gagawin laban sa motorcycle cop.
"I should, hindi ba? Otherwise what’s the point? Yun ang dilemma ko ngayon,” ang sagot ni Edu.
READ:
Charlie Dizon at Carlo Aquino, nabuking na ikakasal na
Edu Manzano, gagawaran ng La Salle dahil sa kanyang philanthropic efforts
Edu Manzano reacts to rumor he and Cherry Pie Picache broke up