Sina Angeli Khang at Robb Guinto, na madalas napapanood sa mga proyekto ng Vivamax, ang mga unang nabigyan ng pagkakataong magbida sa pelikula na ipalalabas sa mga sinehan.
Unang Tikim ang pamagat ng proyekto ng dalawa na mapapanood sa mga sinehan simula sa Hulyo 17, 2024.
Read: Vivamax, ipinakilala ang bagong aabangang sexy stars
Sa media conference ng Unang Tikim na naganap nitong Martes ng hapon, Hunyo 11, inihayag nina Angeli at Robb ang kanilang kasiyahan.
ANGELI AND ROBB ON THE BIG SCREEN
Ayon kay Robb, “Sobrang nakakataba po ng puso pero may halong konting kaba kasi parang ito yung inaasahan sa amin ng Viva na makakapagpabalik sa mga tao sa cinema.”
Sabi naman ni Angeli, “Actually, ang sabi sa amin, ito ang first sa cinema na Vivamax."
Knikilig din si Angeli dahil mapapanood na niya ang sarili sa wide screen.
“My god, makikita ko yung sarili ko sa big screen!" bulalas niya.
"At anytime na gusto kong pumunta sa cinema, paulit-ulit kong makikita ang sarili ko, kung paano umiyak, tumawa.
"Kaya sobrang blessed ako na kami, at closest friend ko pa, ang piniling magbida sa Unang Tikim.”
Read: Pinoy Sexy Movies 2023: Who are the new Vivamax Queens and Los Hubaderos?

GIRLS LOVE MOVIE
Tungkol sa Girls Love o GL ang kuwento ng Unang Tikim.
Hindi makapaniwala si Angeli na darating ang araw na mararanasan nitong makipaghalikan at makipagtalik sa isang babae sa harap ng kamera, at sa matalik na kaibigan pa niya.
“Ngayon pa lang kami nagkaroon ni Robb ng movie na may kissing at sexy scenes kami.
“Unang kissing scene namin, tumingin kami nang matagal sa isa’t isa tapos nagtawanan kami. Sobrang lakas ng tawanan namin,” rebelasyon ni Angeli, na nanindigang babaeng-babae talaga siya.
Aminado naman si Robb sa kabang nararamdaman dahil sa nalalapit na pagpapalabas sa mga sinehan ng pelikula nila ni Angeli, pero pinaiiral niya ang positibong pag-uugali.
“Ayaw talaga naming isipin kasi malakas makaano ng negative energy kaya talagang mina-manifest namin na papatok itong movie. Nagiging positive po kami sa lahat na bagay,” lahad ni Robb.
Nasubukan na rin ni Robb na lumabas sa telebisyon dahil sa kanyang partisipasyon sa Black Rider, ang primetime action-drama series ng GMA-7 na unang proyekto rin ni Angeli sa TV.
Read: Sexy star na si Angeli Khang, huling birhen ng Isla Alakdan sa Black Rider
Umaasa sina Robb at Angeli na makatutulong sa kanilang pelikula ang paglabas nila sa Black Rider dahil nakilala sila ng mga tumatangkilik at sumusubaybay sa programa ng Kapuso Network.