Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng mga pelikulang gagawin ni Anthony Davao dahil sa second quarter pa lang ng 2024, apat na proyekto na ang kanyang natapos at naipalabas sa Vivamax: ang Linya, Lady Guard, Sweet Release at Room Service.

Si Anthony ang anak ng dating child star na si Charlon Davao.
Pamangkin siya ni Ricky Davao at lolo niya ang pumanaw na aktor na si Charlie Davao kaya hindi nakapagtataka na sinundan ng 26-year old aspiring actor ang yapak sa showbiz ng kanyang mga kamag-anak.

Tanggap ni Anthony na naging madali para sa kanya ang pagpasok sa showbiz dahil sa angkan na pinagmulan niya.
“I decided to enter showbiz because I had the opportunity and my dad really supported and inspired me to do it.
“I know he really believes that I can showcase my talent in acting and my body as well knowing that I will be starting as a sexy actor,” ang lahad ni Anthony nang makausap siya ng Cabinet Files.
READ:
Anthony Davao proud of showbiz roots
Anthony Davao admits to feeling the pressure for his latest role
ANTHONY, ISINASAMA SA SHOOTING NG KANYANG LOLO CHARLIE DAVAO
Bata pa lang si Anthony, alam niya na mga artista ang mga miyembro ng kanilang pamilya dahil isinasama siya ng kanyang Lolo Charlie sa shooting ng mga pelikula at taping ng mga television show.
“Isinasama kami ng Lolo Charlie ko and my dad Charlon sa mga shoot at taping.
“Nakakasama ako at ang brothers ko sa mga shoot at taping ng lolo ko. Palagi niyang isinasama ang kanyang mga apo.
“Sobrang maalaga siya sa amin and we have so much memories like going out to watch a movie and play at Timezone while he stays at Starbucks having his time there for work or relaxation,” ang lahad ni Anthony na hiningi muna ang basbas ng kanyang pamilya nang magpasya siya na magpaseksi sa mga proyekto ng Vivamax.
“Ang dad ko po ang talagang sumusuporta sa pagpasok ko sa showbiz at nung nalaman niya na magpapaseksi ako, frontal nudity lang ang restricted at ako na ang bahala sa iba.
“But aside from that, talagang suportado niya ako, all the way.
“Yung pagpapaseksi, I thought of it kung gusto ko ba talaga and I knew in myself na I wanted it.
“Aside from just being a sexy actor, gusto ko talaga ang acting itself. I believe I have the talent and potential lalo na growing up and seeing my family how they work and gaano sila ka-professional sa craft nila.
“I did ask for their approval po at sumusuporta naman sila dahil alam nila na I can handle kung ano man ang mga dapat at hindi dapat na gawin.”
READ:
Ricky Davao, suportado ang sexy image ng pamangking si Anthony Davao
Vivamax actor Anthony Davao, ayaw sa BL projects?
Charlie Davao fought bravely until the end
ANTHONY, MAALAGA SA KATAWAN
Isa si Anthony sa mga aktor na baguhan na may maganda na pangangatawan at utang na loob pa rin niya mula sa kanyang ama ang pagiging physically fit.
“My dad really trained me sa boxing, calisthenics and he told me that when I grow up, alagaan ko ang katawan ko dahil isa ito sa mga madadala ko para sa sarili ko as self-love and discipline.
“At ito na nga,dumating ang opportunity na maging sexy actor ako and I am very grateful for my dad because he really guided me very well.”
ANTHONY SAYS NO TO BL MOVIES AND FRONTAL NUDITY
Hindi lamang ang mga frontal nudity scene ang bawal kay Anthony dahil hindi rin siya tatanggap ng Boys Love o BL projects, pero desidido siyang pagbutihin ang pag-arte dahil ito ang gusto niya na maging pang-matagalan na propesyon.
“I am actually focused sa showbiz and see where it will take me. If I feel that it’s God’s will, then I will do it until I can and I want to.
“I just want to say that I am very thankful for where I am right now and in every step of the way, I will just do my best and make God, my family, friends and supporters proud.”