Inanunsiyo ni Kim Molina noong nakaraang Lunes, Agosto 12, 2024, ang engagement nila ng kanyang fiancé na si Jerald Napoles na naganap sa Philippine Educational Theater Association (PETA) theater dahil dito sila unang nagtagpo noong 2014 nang magkasama sila sa rock musical na Rak of Aegis.

Read:
Kim Molina and Jerald Napoles are now engaged
Sa eksklusibo namang panayam ng Cabinet Files kay Jerald Napoles, ikinuwento nito ang dahilan kaya mga bulaklak ng sunflower ang kanyang ibinigay kay Kim at mga sunflower din ang disenyo ng PETA stage nang mag-alok siya ng kasal sa babae na pinili niyang makapiling sa habambuhay.

JERALD EXPLAINS SIGNIFICANCE OF SUNFLOWERS IN THEIR RELATIONSHIP
“Sunflower po dahil yun ang flowers sa stage design ng Rak of Aegis sa PETA theater during the scene na nagkatuluyan yung mga character namin ni Kim sa play.
“First time ko po na nagkaroon ng slight stage fright. Nakakakaba rin na buong araw na itago sa kanya ang mangyayari that night,” ang kuwento ni Jerald na nakaramdam ng stage fright sa kauna-unahang pagkakataon dahil sa kanyang proposal kay Kim.
Tolits ang pangalan ng karakter na ginampanan ni Jerald sa Rak of Aegis at striped t-shirt ang isa sa mga costume na ginamit niya noon.
JERALD RECREATES HIS LOOK DURING MEMORABLE RAK OF AEGIS PLAY
Para sa kanyang proposal kay Kim, naghanap si Jerald ng striped t-shirt na katulad ng kanyang isinuot sa rock musical play na may malaking bahagi sa kuwento ng pagmamahalan nila sa tunay na buhay.
“Actually, bagong shirt na po iyon na nabili ko online,” ang pagtatapat ni Jerald.
“Since madaling mahanap yung certain thickness ng pagka-stripes ng shirt na ginamit ko noon sa play kaya bumili uli ako para mas madetalye ang pag-remake ng dating look ko sa play.
“Isang barangay na laging binabaha ang premise ng kuwento ng Rak of Aegis and then from that, ginawa nila na tourist attraction.
“Ginaya sa play ang Venice canals gondola ride at ako po ang bangkero ng baha sa barangay kaya striped t-shirt ang suot ko.
“Mala-Gondolier at yung barangay setting sa musical is also called Barangay Venezia,” ang detalyadong lahad ni Jerald tungkol sa mga eksena sa Rak of Aegis na ginawa niya muli sa importante na araw sa buhay nila ni Kim.
Bilang pasasalamat sa lahat ng mga tao na tumulong sa kanya para maging matagumpay ang proposal niya kay Kim, isang mini-cocktail party ang inihanda ni Jerald sa PETA at dinaluhan ng pamilya at mga kaibigan na saksi sa sampung taong pagmamahalan nila na malapit nang humantong sa kanilang pagpapakasal.
Read:
Jerald Napoles, pinaghahandaan na ang kasal kay Kim Molina?
Jerald Napoles, saludo sa paniniwala ni Kim Molina na di dapat maging problema ang pera sa relasyon