GORGY RULA
Todo-kayod si Jerald Napoles dahil pinaghahandaan na niya ang kinabukasan nila ng long-time partner na si Kim Molina.
Sa media conference ng game show-sitcom niya sa TV5 na Barangay Singko Panalo kahapon, April 17, 2024, tinanong ng PEP Troika si Jerald kung may binabalak na ba siya para mag-level up ang relasyon nila ni Kim.
Napapag-usapan o napaplano na ba nila ni Kim na magpakasal?
Read: Jerald Napoles, saludo sa paniniwala ni Kim Molina na di dapat maging problema ang pera sa relasyon
“Maraming pinaghahandaan, lalo na siyempre tumatanda na kami ni Kim. Marami kaming pinaghahandaan sa life, pinag-uusapan na kaming mga bagay-bagay,” pakli ni Jerald.
Sa ngayon daw ay trabaho, more work, ipon, more ipon para na rin sa binabalak nilang mag-settle down.
“Pero lahat ng kinikita namin ni Kim, puro investment. Para kung saka-sakali in five years time at kailangan na naming bumuo ng pamilya…
“Let’s say, halimbawa, sinabi ko, gusto ko sampu! Di puwedeng huminto. May investment, parang ganun,” dagdag ni Jerald.
Ito na raw ang pinagtutuunan nila dahil iun na rin ang kahahantungan nila ngayong nagli-live in na sila. Kanya-kanya muna sila ng tinatahak sa showbiz career.
“Nandun kami ngayon ni Kim naka-focus. And also… parang right after pandemic… during the pandemic kasi lalong na-push yung KimJe.
"Parang after pandemic, individual na. Individual brand, parang ganun. Kim Molina, Jerald Napoles. So, medyo niraratrat pa namin yun.
“While planning things in our lives. So, parang ano muna tayo, go your own path also. Go to your career journey, ako rin.
"Parang lang kasi may kanya kanyang brand, e,” saad ni Jerald.
Read: Jerald Napoles reveals how he settles misunderstandings with Kim Molina
Thankful ang aktor na sa kanya ipinagkatiwala ang Barangay Singko Panalo na padami nang padami na sila ngayon.
Sa nakaraang mediacon ay ipinakilala ang dagdag sa grupo ng kanilang barangay na sina Joross Gamboa bilang si Kags Jo. Kaya "J&J" tandem na silang dalawa.
Kasama pa rin naman nila si Kayla Rivera. Idinagdag na rin ang beauty queen na si Sam Coloso na nakitaan ng galing sa hosting sa Spingo ni John Arcilla.
Bagong dagdag din sa cast sina Bob Jibailey at EJ Gonzaga.
Simula Abril 19 ng 5:30 p.m. ay mapapanood na si Joross sa Barangay Singko Panalo.

Barangay Singko Panalo hosts (from left) Bob Jibailey, Kayla Rivera, Joross Gamboa, Jerald Napoles, Sam Coloso, and EJ Gonzaga
NOEL FERRER
Simula nung pandemic ay nag-live in na sina Jerald at Kim. Pareho silang nag-iipon, pero wala pa raw silang joint account.
Sabi ni Jerald, “Wala kaming joint account. Pero sa lahat ng gastusin, joint kami.
“Automatic nakaplano na, sino magbabayad ng wifi? Sino magbabayad ng ganyan, nakalista na yan sa amin. Kasi mag-live in kami ni Kim.”
Malaking bagay raw yung pag-live in nila dahil doon nila nakilala nang husto ang isa’t isa. Lahat na conflicts sa kanilang pagsasama ay hinarap daw nila.
“Yung mga conflict ng live in, sa tingin ko… nag-live in kasi kami nung pandemic.
“So, parang para mag-live in, tumagal kayo ng live in ng pandemic, at malagpasan nyo yun, I don’t think meron pang conflict na darating. Mas ko-conflict pa dun!” saad ng aktor.
Mabuti na rin daw yung nakita na nila ang mga kanegahan nila para magkaalaman na.
“Ang dami na rin naming away nung pandemic. Sandamakmak! Lumabas yung ugali naming dalawa sa isa’t isa.
“Mas magandang lumabas na. Bargasan talaga. Okay na rin yun. Dun mo mate-test, e. Samahan ko ba to ng matagal sa buhay ko? Dun mo mate-test, e,” dagdag ni Jerald.
Read: Kim Molina, may nadiskubre kay Jerald Napoles nang mag-live in sila
JERRY OLEA
Maging sina Enzo Pineda, Derrick Monasterio, at David Licauco ay naiisip na rin ang paglagay sa tahimik.
Inamin nila iyon sa mediacon ng pelikulang G! LU nitong Abril 17, Miyerkules, sa Kao Manila, Newport World Resorts, Pasay City.
Sabi ni Enzo, lagi silang nagkumustahan ng kaibigang si Rocco Nacino through Instagram.
“I’m really happy for him, especially he’s a dad now, family man,” sambit ni Enzo.
Hindi ba siya naiinggit?
Napangiti si Enzo, “Ako naman po siyempre, gusto ko ring magkaroon. Pero siyempre, sa tamang panahon.”
Napag-uusapan na raw nila ni Michelle Vito ang pagse-settle down, pero sa ngayon ay nakatuon pa rin ang pansin nila sa career at business.
Si Derrick naman ay aminadong naging matino at mature nang maging sila ni Elle Villanueva. Nagpaparinig na rin daw sa kanya ang mommy niyang si Tina Monasterio kung kailan niya ito bibigyan ng apo.
Ganundin naman si David, bagama’t masigasig sa kanyang showbiz career ay naiisip na rin ang pagpapakasal.
Nasa mediacon din ng G! LU si Teejay Marquez, na two years na raw single. Nasaktan daw siya sa huli niyang karelasyon kaya mas nagko-concentrate siya sa career.
Wala sa Kao Manila ang dalawa pang bida na sina Ruru Madrid at Kiko Estrada.
Showing na ang G! LU umpisa Abril 24, Miyerkules, sa mga sinehan.
Isinulat at idinirek ito ni Philip King. Joint venture ito ng ALV Films, Benchingko Films at Rein Entertainment.
Nasa cast din ng G! LU sina Pinky Amador, Michelle Dee, Katarina Rodriguez, Chanel Morales, Maureen Montagne, Sophia Senoron, Ali Forbes, Carl Guevarra, Ken Anderson, at Denver Hernandez.

(From left) Enzo Pineda, David Licauco, Katarina Rodriguez, Derrick Monasterio, and Teejay Marquez
Kasabay nito ang showing ng Elevator, na bida sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa. Isinulat at dinirek din iyon ni Philip King.
Ang foreign films na nakatakdang mag-showing sa Abril 24 ay Challengers, Boy Kills World, Breathe, at Founders Day.
