PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ken Chan, nagparamdam pagkatapos ng ilang linggong pananahimik

Ken Chan, nagbabala laban sa taong gumagamit umano ng kanyang pangalan.
by Jojo Gabinete
Published Sep 5, 2024
ken chan
Kapuso actor Ken Chan warns the public against netizen who allegedly uses his Telegram account to ask for money from his family and friends.
PHOTO/S: Ken Chan Facebook

Nabahala ang mga tagahanga ni Ken Chan dahil ilang linggo nang hindi siya aktibo sa social media.

Pero nabawasan ang pag-aalala nila dahil sa mga Facebook post ng Kapuso actor noong Miyerkules, Setyembre 4, 2024.

Read: Ken Chan dismisses possible romance with 'Abot Kamay Na Pangarap' co-star Jillian Ward

Binasag ni Ken ang matagal na pananahimik para bigyan ng babala ang publiko tungkol sa isang taong gumagamit umano sa kanyang pangalan, larawan, at nanghihingi ng pera.

Panawaga niya: "Hello everyone, if you ever received a message from this telegram account, please ignore and report it because he is using my name to ask for money from my family and friends."

ken chan facebook post
Photo/s: Screen grab from Ken Chan Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi rin ng aktor ang screenshot ng mensaheng natanggap niya mula sa isang taong ginamit ang pangalan ni Boss Vic del Rosario, ang producer ng Viva Films at COO ng Viva Entertainment.

Hiningi ni Ken ang tulong ng mga tao na isumbong sa kinauukulan ang gumagamit sa pangalan ni Boss Vic sa pamamagitan ng kanyang Facebook appeal.

Aniya, “Even Boss Vic Del Rosario of Viva Films dinamay din! Please help me to report this.”

Read: Ken Chan, handang gumawa ng proyekto sa Vivamax

ken chan post
Photo/s: Screen grab from Ken Chan Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

KEN CHAN MISSING IN ACTION

Biktima man si Ken ng panloloko sa social media, ikinatuwa ng kanyang mga tagasuporta ang mga Facebook post niya dahil hindi na sila nagtataka o nag-iisip tungkol sa biglaang pananahimik ng aktor.

Pinatay na kasi ang karakter niya sa top-rating Kapuso afternoon drama series na Abot-Kamay Na Pangarap at hindi na rin siya napapanood sa Sunday noontime variety program na All-Out Sundays.

May balitang may pinagdaraanang pagsubok si Ken at, diumano, nagpunta muna ito sa ibang bansa.

Pero walang opisyal na pahayag mula sa kanya o sa mga miyembro ng pamilya niya.

Hindi man aktibo ngayon si Ken sa sirkulasyon, nais iparating ng kanyang mga tagahanga na patuloy nilang susuportahan ang personal at professional life ng aktor na kanilang kinasasabikang muling mapanood sa telebisyon sa lalong madaling-panahon.

Read: Ken Chan, di pinanghinaan sa box-office results ng unang pelikula bilang producer

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Ken Chan warns the public against netizen who allegedly uses his Telegram account to ask for money from his family and friends.
PHOTO/S: Ken Chan Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results