Ang Gumamela corset in sampaguita na suot ni Lovi Poe ang unang napansin at pinuri ng entertainment writers na dumalo sa intimate get-together ng aktres.
Proudly Philippine made daw ito.
"Ang ganda ‘no? I saw it and sabi ko, parang banig siya na hindi siya mainit at all. Para siyang may little holes kaya may aircon,” ang natatawang reaksiyon ni Lovi.
Base sa pagsasaliksik na ginawa ng Cabinet Files, nagkakahalaga ito ng PHP8,900.

LOVI POE'S PRODUCTION COMPANY
Ang Guilty Pleasure ay ipapalabas sa mga sinehan sa Oktubre 16, 2024.
Collaboration project ito ng kanyang C’est Lovi Productions at ng Regal Entertainment Inc.
"Guilty Pleasure is our first local collaboration with Regal. My husband is guiding me, teaching me how it is produced, and so ako, I take care more of the creative side like coming up with concepts, scripts, acquiring scripts or writing my own scripts, casting so I have the fun part of things.
"He does all the financial side of things,” ang kuwento ni Lovi tungkol sa unang proyekto ng production company na itinatag nila ng kanyang American husband na si Monty Blencowe.
Read: WEDDING ALBUM: Lovi Poe and Monty Blencowe
Sinabi ni Lovi na pinili niyang maging partner ng C’est Lovi Productions ang Regal Entertainment Inc. dahil ang movie company ng pamilya ng pumanaw na movie producer na si Mother Lily Monteverde ang unang nagtiwala sa kanyang kakayahan bilang aktres noong baguhan pa siya sa showbiz.
"First of all, it’s with Regal. I grew up, I started with Regal. Talagang my career, sila ang nag-jump start.
"Now you can see na Regal Films is like one of the most established production companies.
"They’re there for so many years and they have been supportive sa akin as an actress.
"And then now that I am getting into producing, talagang dun mo makikita na it’s beyond… it’s not just a transactional relationship.
"They’re here to support me bilang Regal baby nila na ngayon, iba na ang tinatahak na direksiyon, so what I am to say…not do it with them?
"If anything, I am so grateful that they got me involved,” ang paliwanag ni Lovi.
LOVI POE'S LOVE SCENE WITH JAMESON BLAKE
Nagulat at natawa ang aktres nang tanungin tungkol sa isyung diumano’y hindi paggamit ni Jameson Blake ng plaster sa kanilang love scene sa Guilty Pleasure.
Read: Jameson Blake sinagot ang plaster issue sa movie nila ni Lovi Poe
"Ah talaga? Hindi ba? Totoo ba? I am just there to come in, do my job,” ang sabi ni Lovi.
Wala raw budget sa plaster?
"Grabe. Totoo ba? Hindi ko alam. I don’t know,” ang lalong natawa na sabi ni Lovi.
"Siyempre, ako yung nandoon, pero siyempre, kapag nandoon ka na, masyado kayong tutok sa mga direction ni Direk Connie [Macatuno], very specific pa naman siya.
"Choreographed iyon, but then, she made it look like a dance. We don’t have an intimacy coach. I don’t think uso iyon sa Pilipinas,” ang lahad pa ni Lovi.
Habang kinukunan daw ang intimate scenes nila ni Jameson, nakatingin siya sa mukha ng kanyang kapareha kaya hindi niya alam kung gumamit ng plaster ang aktor.
Dagdag ni Lovi, "Tawa kami nang tawa because may kanya-kanya kami ng inputs and collaborative kasi si Direk Connie. She has her vision."
Nang itanong ng Cabinet Files ang ginawa niya para maging komportable at hindi mailang o mahiya sa kanya si Jameson, sumagot si Lovi ng, "Now that you asked me that, first time ever namin mag-work together ni Jameson, yun agad ang first scene namin.
"First day namin is intimate scenes, ang dami agad love scenes, so sabi ko, 'Nice to meet you, Jameson.'
"Ginawa rin sa akin ito ni Direk Connie. Nung nag-Malaya kami ni Zanjoe, first time ko rin yata na-meet si Zanjoe.
"First scene, first day [shoot], love scene agad. Sabi ko, sinasadya ba ito ni Direk?
"Tawa siya nang tawa, feeling ko sinasadya niya to break the ice."
Nakapareha ni Lovi si Zanjoe Marudo sa Malaya, ang IWant movie na ginawa nila noong 2020.