Standing ovation ang ibinigay kay Martin Nievera ng mga nanood ng The King 4Ever, ang kanyang 42nd anniversary concert.
Dumagundong ang Smart Araneta Coliseum, Araneta City, Cubao, Quezon City, noong Biyernes ng gabi, Setyembre 27, 2024.
Si Ogie Alcasid ang isa sa mga producers ng The King 4Ever at siya ang kumumbinsi kay Martin na magkaroon ng anniversary concert sa Big Dome.
Read: Ogie Alcasid, frustrated maging Martin Nievera sound-alike

Hindi nagkamali si Ogie dahil topnotch pa rin ang performance ni Martin, na halos tatlong oras nag-perform. Mula umpisa hanggang sa katapusan ng konsiyerto, hindi nagbago ang timbre at kalidad ng kanyang boses.
Ipinakita ni Martin na siya at wala nang iba ang may karapatang tawagin na Concert King ng Pilipinas.
Read: Martin Nievera admits he was once a "diva king."
The King 4Ever SPECIAL GUESTS
Nawala rin ang pangamba ni Martin na aminadong takot tumanda dahil baka wala nang manood ng kanyang concert.
Napuno niya ang Smart Araneta Coliseum.
Standing ovation ang natanggap ng kanyang Broadway songs medley.
Sina Ogie, Gary Valenciano, KZ Tandingan, TJ Monterde, The Company, Regine Velasquez, Robin Nievera, at Pops Fernandez ang mga special performers.
Pero ang apo ni Martin na si Phineas ang umagaw ng atensiyon ng lahat.
Read: Martin Nievera, ikinuwento na nakita na sa wakas ni Pops Fernandez ang kanilang unang apo

Mula sa Amerika, umuwi sa Pilipinas si Robin, kasama ang mag-ina niya para maging bahagi ng 42nd anniversary concert ng kanyang ama.
MARTIN nievera'S EMOTIONAL NUMBER WITH SON ROBIN
Bago awitin nina Martin at Robin ang "I’ll Be There for You," napahagulgol ang Concert King.
Nakapag-usap sila ng kanyang panganay sa entablado.
“I have a question for you, what is it like to be a father?” ang tanong ni Martin kay Robin.
Sagot ng huli, “That’s a good question. I feel like I felt the exact same way you did.”
Naging emotional si Martin sa narinig, pero pinilit niyang pigilan ang pagluha ng kanyang sabihin na, "It’s the best feeling ever, and he [Robin] is a great father.
"No, no, no, he’s gonna be a much better father than me. I can see it already. I can feel it, he’s dedicated.
"Remember this feeling and bring it with you to his every year that he gets older."
Binanggit ni Martin na isinulat nito ang I’ll Be There For You" para sa kanyang mga anak at muli, pinigilan niyang maikyak sa pahayag na, “But when I sing this song, and I think of you and Ram and now with Santino, it breaks my heart because you’re not with me, but he [Phineas] is with you. Never leave his side, never…”
Sumagot si Robin ng, "Don’t worry about everything that you think you did wrong ‘coz I learned everything from you."
Ang reaksiyon ni Martin, "Then don’t do what I did."
Ramdam ng crowd ang emosyon ni Martin bilang ama na nangungulila sa kanyang mga anak.
Read: Martin Nievera recounts touching moment when son Santino first learned he has autism