Tanging DNA test lamang ang makasasagot sa katanungan at kutob na bumabagabag sa dalawang lalaki na parehong nakarelasyon ng isang kontrobersiyal na personality.
Malakas ang hinala ni Male A na hindi siya ang tunay na ama ng anak nila ng kontrobersiyal na personality dahil hindi niya kamukha ang bata.
Samantala, malakas naman ang kutob ni Male B na siya ang ama ng bata dahil nagkaroon sila ng relasyon ng kontrobersiyal na personality.
Ginamit na basehan ni Male B ang panahon ng paghihiwalay nila ng kontrobersiyal na personality bago ito nagkaroon ng seryosong ugnayan kay Male A.
BATA, IPAPA-DNA TEST KAYA?
Malulutas at masasagot lamang ang mga agam-agam nina Male A at Male B kung sasailalim sa DNA test ang bata para matukoy ang tunay niyang ama.
Pero malabo ang posibilidad na pumayag ang kontrobersiyal na personality na ipa-DNA ang inosenteng bata.
Sino ba naman ang gustong pagpiyestahan ang kanyang anak?
Kaya sa ngayon, tanging siya ang nakakaalam sa katotohanan.
Read:
Gandarang aktres, may bagong property sa isang exclusive village
TV personality, walang tumatagal na personal assistant
ISA PANG BATA, DALAWA ANG AMA?
Hindi nalalayo ang kuwento ng dalawang lalaki sa karanasan ng isang artista na nabuntis ng ibang lalaki, pero inako ng asawa niya ngayon ang bunga ng kanyang bawal na pakikipagrelasyon noon.
Masalimuot ang kuwento dahil nakasama ng artista sa isang proyekto ang diumano'y tunay na ama ng kanyang anak.
Marami ang nakakaalam sa kuwentong ito, pero hindi sila nagsasalita bilang respeto sa artistang mahusay makisama sa lahat.
Si lalaki ay may asawa na rin at mga anak.
Kinikilala niya ang anak nito sa artista, at siya mismo ang nagsabi sa kanyang mga anak na tanggapin ang kapatid nila sa ama.
Hindi raw inilihim ng lalaki sa kanyang mga anak na nagbunga noon ang bawal na relasyon nila ng artista.
Read:
Dalawang bad news sa mundo ng telebisyon
Comedian nanliit matapos magpa-selfie sa member ng sikat na grupo