Ni-repost ni Luis Manzano ang Facebook post na may pamagat na "Uninvited Was Robbed."
Ang kanyang caption: "Labo, kahit nomination," na pahiwatig ng pagtataka dahil sa kawalan ng nominasyon ng Uninvited, ang pelikula ng kanyang ina na si Vilma Santos, sa Gabi ng Parangal ng 50th Metro Manila Film Festival.
In total, may seven nominations ang Uninvited, kumpara sa:
- 15 ng The Kingdom
- 14 ng Espantaho
- 13 ng Topakk
- 12 ng Green Bones
- 11 ng My Future You at Isang Himala
- 9 ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital
- 6 ng And The Breadwinner Is…, excluding the Special Jury Citation at Gender Sensitivity Award, na parehong walang nominees
- 1 ng Hold Me Close
Read: MMFF 2024 acting winners' reactions and speeches; message from Vilma Santos
THE "UNINVITED WAS ROBBED" POST
Ang post ay mula sa content creator na si Blake Salcedo, isa sa mga namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na dumalo sa world premiere ng Uninvited noong December 23, 2024, sa SM Megamall.

Na-upload ito kahapon, December 28, at naka-generate na ng 3,000 reactions, 452 comments, at 766 shares as of 1:57 a.m. of December 29.
UNINVITED PRODUCER'S REACTION
Ni-repost naman ng producer na si Bryan Dy ng Mentorque Productions ang Facebook post na “nilaro niyo naman awards night beh @MMDA."

Nagpahayag din si Dy sa kanyang Facebook feed ng, “You will always be our Best Actor," na patungkol kay Aga Muhlach.
Sa kabila ng pagganap niyang pinuri at pinag-uusapan sa social mediia, hindi nagkaroon ng nominasyon si Aga sa kategorya ng pinakamahusay na aktor sa 50th Metro Manila Film Festival.
Read: Aga Muhlach, Uninvited, Eugene Domingo, Gladys Reyes: inisnab ng 50th MMFF?
MMFF'S FIRST BEST ACTOR
Samantala, si former Philippine President Joseph Estrada ang ginawaran ng Lifetime Achievement Award dahil sa pagtatatag niya ng Metro Manila Film Festival limampung taon na ang nakalilipas.

Si Estrada ang best actor awardee ng 1st Metro Manila Film Festival para sa Diligin Mo ng Hamog ang Uhaw na Lupa.
Madamdamin ang tagpo nang tanggapin ni Estrada ang parangal para sa kanya dahil magkatulong na inakay siya ng mga anak na sina Senator Jinggoy Estrada at Jake Ejercito papunta sa entablado.

Hindi na pinaakyat si Estrada sa entablado.
Inabot lamang sa kanya ang parangal, at si Senator Jinggoy na lamang ang nagbasa ng kanyang acceptance speech.
PRESENTER AND WINNER
Isa naman sa mga awkward moments ng Gabi ng Parangal ang pag-anunsiyo sa 3rd Best Picture Award.
Napanalunan ito ng My Future You ng Regal Entertainment Inc., at ang award presenters at nagbasa ng winner ay ang mga bida ng pelikula na sina Seth Fedelin at Francine Diaz.

Sa karanasan ng writer na ito bilang talent coordinator ng mga award-giving body, "mortal sin" na gawing award presenter ang mga artistang may mga nominadong pelikula at may nominasyon sa iba’t-ibang kategorya.
Posible kasing malagay sila sa alanganing sitwasyon at mapagbintangang may "misreading" tulad ng nangyari sa 1994 Manila Film Festival.
Read: Manila Film Festival 1994: The Scandal that Rocked Showbiz