PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

David Chua talks about having 16 siblings

He is the 12th out of 16 kids.
by Jojo Gabinete
Published Mar 24, 2025
david chua talks about 16 siblings
David Chua opens up about having 16 siblings—15 from his father's side and one from his mother's side.
PHOTO/S: David Chua on Facebook

Sa pagkamatay ng ama ni David Chua, napag-alamang mayroon siyang 16 siblings.

Masasabing makulay ang buhay ng kanyang biological dad na si Gerson Kummer Mallillin, na half-Filipino at half-German.

Read: David Chua, nalungkot sa pagkamatay ng amang minsan lang niya nakita

Si David ay panglabing-dalawa sa labing-anim na magkakapatid, na lahat ay pawang panganay sa maraming babae na nakarelasyon ng ama niya.

Rebelasyon ng actor-director, “Ang dami naming magkakapatid, sixteen.

"Iba-ibang lahi, United Colors of Benetton nga. Meron sa UK, meron sa Amerika, meron sa Dubai, sa Qatar, sa Japan.

"So ang layo, ang dami.

"Ang alam ko, pang-12 ako sa mga anak niya na panganay."

Sa tantsa ni David, “Siguro yung pinakamatanda ay nasa 55 years old. Yung youngest, siguro, 16."

Hindi gaanong nasubaybayan ni David ang love life ng kanyang ama.

David Chua mourns the death of his  Filipino-German dad, Gerson Kummer Mallillin
David Chua mourns the death of his Filipino-German dad, Gerson Kummer Mallillin
Photo/s: courtesy of David Chua
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Panaka-naka, may mga nababalitaan lang siya.

“Actually, ang dami niyang asawa. Ang alam ko na pinakasalan lang niya, Italyana. Tapos, ang huling balita ko, nagpakasal ulit siya sa isang babae sa Bacolod.”

Read: David Chua, nakasaksi ng trahedya sa gitna ng bagyo

DAVID CHUA'S MINI-REUNION WITH SIBLINGS

Isa sa mga half-siblings niya ang kumontak sa kanya noong 2017 sa pamamagitan ng Instagram.

Nagkaroon sila ng mini-reunion sa isang restaurant sa Bonifacio Global City.

“Nag-reach out sa akin ang mga kapatid ko. Nagulat ako pagpasok ko sa bahay, ang dami namin. ’O, ito yung pamangkin mo, ito yung pamangkin mo, ito apo,’ pero wala ang tatay ko doon.

“So parang na-overwhelm ako. Ang dami pala namin.

"Parang nagulat ako dahil sanay akong mag-isa, kasama ng kapatid ko sa nanay tapos biglang ang dami pala namin."

Naging malapit ba siya sa ilang kapatid niya sa ama?

“Pinipilit ko na magkaroon ng relationship sa iba kong mga kapatid sa tatay, pero hindi ko masyadong makuha kasi nasanay nga po ako na mag-isa.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod dito ay abalang-abala talaga siya.

Mas malapit siya sa kanyang kapatid sa ina na si Lucy Uy, na pumanaw noong Jnauary 2019 dahil sa pneumonia.

Sabi niya, referring to his half-brother sa mother's side, “Si Emman, kaming dalawa lang, kaya na namin.”

Read: David Chua recalls dealing with his late mother's hospitalization

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
David Chua opens up about having 16 siblings—15 from his father's side and one from his mother's side.
PHOTO/S: David Chua on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results