PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Magulang ng namayapang beauty queen, dismayado

“Wala pang kumakausap sa amin mula sa LSPU at wala pa rin sa amin ang report ng BFP."
by Jojo Gabinete
Published Jun 28, 2025
Trisha Macalagay parents
Sa kabila ng mga parangal na iginawad kay Trisha Macalagay (kaliwang larawan), dismayado pa rin ang mga magulang niyang sina Jocelyn at Butch (kanang larawan) dahil sa kawalan ng update mula sa paaralan at sa BFP tungkol sa kaso ng pagkamatay ng dalaga.
PHOTO/S: Courtesy of Butch Macalagay

“Ang saloobin ko ay sagad na pagtitimpi ng sama ng loob dahil sa sobrang panghihinayang,” ang pahayag sa Cabinet Files ni Butch Macalagay, ang ama ni Trisha Macalagay ng Lumban, Laguna.

Si Trisha ang beauty queen at magna cum laude student na masugid na tagahanga ng aktor at singer na si Juan Karlos.

Sumakabilang-buhay si Trisha noong Marso 13, 2025, dahil sa sunog sa paaralan na kanyang pinapasukan, ang Laguna State Polytechnic University (LSPU) sa Sta.Cruz, Laguna.

Read: Mga kaibigan ng yumaong beauty queen may hiling kay Juan Karlos

Personal na nakiramay si Juan Karlos sa naulilang pamilya ni Trisha at naghandog siya ng awit sa namayapang taga-suporta sa concert niya sa Sta.Cruz, Laguna, noong Marso 16.

Bunso sa apat na magkakapatid si Trisha na pumanaw sa edad na 22 at hanggang ngayon, nahihirapan ang kanyang mga magulang na sina Butch at Jocelyn na tanggapin ang masakit na katotohanan.

Dala ang framed photo ni Trisha, ang kanyang ina at ama ang dumalo noong Huwebes, Hunyo 26, sa Recognition Day ng mga nagtapos na estudyante ng LSPU.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinarangalan si Trisha bilang Magna Cum Laude para sa kanyang kurso na Bachelor of Science in Biology, Major in Animal Biology, at siya rin ang tumanggap ng DOST-SEI Award - Traiblazer Leadership Award in Biology, Student Regent’s Exemplary Award in Service, Supreme Student Council Service Award, at Supreme Student Council Leadership Award.

Read: Pumanaw na fan ni Juan Karlos, nagtapos na magna cum laude

Noong Biyernes, Hunyo 27, muling bumalik sa LSPU ang mga magulang ni Trisha para sa graduation day ng kanilang anak.

Dala ang larawan ni Trisha, tinanggap ng mga magulang niyang sina Jocelyn (pangalawa mula sa kanan) at Butch Macalagay (dulong kanan) ang parangal sa kanya bilang Magna Cum Laude.
Muling umakyat sa entablado ang mga magulang ni Trisha Macalagay na sina Jocelyn (pangalawa mula sa kanan) at Butch (dulong kanan) para tanggapin ang certificate of graduation ng yumaong dalaga.
Photo/s: Courtesy of Butch Macalagay
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dala uli ng mag-asawa ang framed photo ni Trisha nang umakyat sila sa entablado para tanggapin ang certificate of graduation ng anak nila na namayapa na may bakanteng silya na kinalalagyan ng kanyang larawan at bag.

Larawan at bag ni Trisha ang nakalagay sa silyang nakalaan para sa kanya noong graduation day sa kanilang paaralan.
Larawan at bag ni Trisha ang nakalagay sa silyang nakalaan para sa kanya noong graduation day sa kanilang paaralan.
Photo/s: Courtesy of Butch Macalagay
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Muling napaluha sina Butch at Jocelyn dahil hindi na nakita ni Trisha ang resulta ng mga pagpupunyagi nito.

Malakas na palakpakan mula sa mga dumalo sa naturang pagtitipon ang sumalubong sa mag-asawang labis na nagdadalamhati.

Patuloy na nagdadalamhati ang mag-asawang Jocelyn at Butch sa kabila ng mga palakpakan at parangal para sa namayapa nilang anak na si Trisha.
Patuloy na nagdadalamhati ang mag-asawang Jocelyn at Butch sa kabila ng mga palakpakan at parangal para sa namayapa nilang anak na si Trisha.
Photo/s: Courtesy of Butch Macalagay
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tinanggap lang namin yung certificate,” ang sabi ni Butch na patuloy na naghihintay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) tungkol sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Trisha.

“Wala pang kumakausap sa amin mula sa LSPU at wala pa rin sa amin ang report ng BFP. Tahimik silang lahat tungkol sa kaso,” lahad ni Butch sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap si MJ, ang kuya ni Trisha at pareho ang sentimyento nila ng tatay niya tungkol sa kaso ng pagkamatay ng kanyang bunsong kapatid.

“To be honest, wala pa pong update mula sa BFP. We really want to get the report already, kasi it’s been a while, more than three months, but there’s no update.

“We already had the meeting with the school authorities, I think more than a month na ang lumampas after the meeting but there’s no update yet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagkausap na po yung lawyer namin and the legal of the school pero wala pa rin po yung BFP report,” ani MJ.

Kinumpirma rin ni MJ ang nalamang impormasyon ng Cabinet Files na namatay si Trisha sa lab room ng LSPU habang ginagawa ang thesis nito nang maganap ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali ng unibersidad.

Maligaya ang pamilya ni Trisha sa mga parangal na natanggap niya pero nakaramdam din sila ng matinding kalungkutan dahil sa trahedyang nangyari.

“First of all, we’re very happy pero at the same time, it turned into sadness. Parang the grieving started again, kasi po we didn’t expect. All this time we all know na cum laude lang, matagal na naming pinag-uusapan.

“We know na she’s gonna have a Latin honor 'tapos nagulat kami, ang dami niyang major and minor awards. Sobrang paghihinayang po sa parents namin kasi sobrang mabait at masipag na bata si Trisha,” lahad pa ni MJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa naililibing ang cremated remains ni Trisha at nananatili sa kanilang tahanan ang urn.

Ang urn ni Trisha na napapalamutian ng mga parangal mula sa kanyang paaralan.
Ang urn ni Trisha na napapalamutian ng mga parangal mula sa kanyang paaralan.
Photo/s: Courtesy of Butch Macalagay

Nababalutan ito ng mga parangal na natanggap niya nang magtapos siya ng kursong hindi na napakinabangan dahil sa kanyang maagang pagpanaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng mga parangal na iginawad kay Trisha Macalagay (kaliwang larawan), dismayado pa rin ang mga magulang niyang sina Jocelyn at Butch (kanang larawan) dahil sa kawalan ng update mula sa paaralan at sa BFP tungkol sa kaso ng pagkamatay ng dalaga.
PHOTO/S: Courtesy of Butch Macalagay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results