Nagdiwang ng kaarawan noong Hunyo 30, 2025, ang VMX (Vivamax) actor na si Ali Asistio.
Bilang regalo sa sarili, nakabakasyon siya ngayon sa Europe habang naghihintay ng mga bagong proyekto mula sa kanyang home studio.
Nasa Finland ang binata nang makausap ng Cabinet Files.
Katuparan daw ng kanyang pangarap na marating ang nasabing bansa.
"Dream ko po kasi talaga na malibot ang buong Europe," bungad ni Ali.
"Pupunta rin po ako sa Amsterdam, Berlin, Prague, at Sweden, kaya sa August na ang balik ko sa Pilipinas.
"Ang latest project ko po sa Vivamax ay ang Hibang. Kasama ko sina Robb Guinto, JC Tan, at Rash Flores."
Read: Jay Manalo, tigil muna sa VMX; hindi natuloy sa Incognito


ALI ASISTIO EYEING A SHIFT TO WHOLESOME IMAGE
Kung siya ang papipiliin, gusto sana niyang makilala hindi lamang sa kanyang mga sexy films.
Aniya: "Right now, wala pa akong project, pero hoping po ako na mabigyan naman ng wholesome assignments.
"Thankful po naman ako sa mga nangyayari sa acting career ko, pero siguro po, mas okay kung makakatawid ako sa mga wholesome project.”
So far, itinuturing ni Ali na ang mga butt exposure sa Vivamax movies na kanyang pinagbidahan ang pinakamatindi sa mga ginawa niya.
Pero hindi raw siya nagsisisi.
Napanood si Ali sa mga pelikulang Alapaap (2022), Hibang (2023), at Painter and Lampshade (2024).
"Wala naman po akong regrets kasi art naman po siya at kung kailangan sa kuwento at maganda naman po ang role, why not?
"Sa pagiging sexy actor ko, ang nakikita ko na advantage, e, napaka-flexible ko.
"Kahit saan po kami ilagay, okay lang for art's sake.
"At kung may disadvantage man, palagi akong nahuhusgahan na Vivamax iyan at pang-Vivamax lang.”
Naniniwala si Ali na darating ang araw na kikilalanin din ang kanyang mga kakayahan bilang aktor.
"Hindi ko naman binibigyan ng deadline ang career ko dahil hindi natin masasabi ang future. Malay natin, baka bigla akong makilala.
"Saka for me, importante na nagagawa ko ang passion ko, which is acting.
"Pero may mga business naman po ako na naitayo as fallback kung sakali na walang mangyari sa showbiz career ko.”
Nagsimula sa showbiz si Ali bilang isa sa mga artista ng Walang Tulugan with The Master Showman, ang defunct late-night show sa GMA-7 ng pumanaw na starbuilder at TV host na si German Moreno.
Read: OG F4 from Meteor Garden reunites on stage after 12 years