PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: Actress, affected ng "toxic" love life

Nagsa-suffer daw ang trabaho.
by Jojo Gabinete
Published Aug 9, 2025
Blind item of woman in toxic relationship
Very talented si aktres pero toxic daw ang love life.
PHOTO/S: Canva

Ang matinding away ng aktres at ng kanyang karelasyon ang dahilan kaya naapektuhan nang husto ang trabaho niya para sa isang proyekto.

Kasama sa mga apektado sa personal na problema ng aktres ang mga kasamahan nito sa isang television program.

Iyak daw kasi siya nang iyak—dahilan para hindi niya magampanan nang maayos ang trabaho.

Read: Aktor, nanganganib di matuloy ang kasal sa kanyang fiancee

AKTRES, "TOXIC" ANG RELATIONSHIP?

Dinidibdib nang husto ng aktres ang huli at ang matinding away nila ng kanyang karelasyon, na naghamong maghiwalay na sila.

Umiikot ang mundo ng aktres sa lalake na kanyang pinakamamahal kaya hindi niya matanggap ang katotohanang posibleng humantong sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Marami nang isinakripisyo ang aktres na sunud-sunuran sa lahat ng mga ipinag-uutos at ipinapagawa sa kanya ng boyfriend.

Kamakailan lamang, hindi nagdalawang-isip ang aktres na tanggihan ang isang pangmatagalang proyekto sa telebisyon dahil hindi ito pumasa sa panglasa ng karelasyon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagdarasal ng mga nagmamalasakit sa aktres na magising na ito sa katotohanan sa lalong madaling panahon.

Habang tumatagal kasi, tila lumalala ang alitan nila ng kanyang boyfriend.

Bukod dito, nababahala ang mga malapit sa aktres dahil diumano'y biktima siya ng verbal abuse.

Sobra raw kung murahin siya ng boyfriend.

Sana ay makawala ang aktres sa "toxic" niyang relasyon.

Read: BLIND ITEM: TV personality, nagtampo dahil sa billing issue

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
blind item, aktres, con-00064
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Very talented si aktres pero toxic daw ang love life.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results