PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nepo Babies, Disney Princesses puwedeng magsampa ng cyber libel

Boyfriend ni Claudine Co, dawit din sa isyu ng lavish lifestyle.
by Jojo Gabinete
Published Sep 3, 2025
nepo babies and disney princesses
A lawyer reminds that influencers facing online bashing and ridicule may file cyberlibel complaints against netizens.
PHOTO/S: Canva

Cyber libel ang reklamong puwedeng ihain ng influencers na binabatikos at hinuhusgahan dahil sa marangyang pamumuhay na sila rin mismo ang nagbahagi sa kanilang YouTube channels at social media page.

Nakaranas ng mga batikos at paghuhusga ang influencers na binansagang “Nepo Babies” at "Disney Princesses" dahil kamag-anak sila ng mga kontratista at pulitikong pinararatangang sangkot sa mga anomalya sa flood control projects.

Hindi nakatulong ang ginawa nilang pangangalandakan sa social media ng kanilang biyahe sa ibang bansa, pagkain ng masasarap, at pagsusuot ng mamamahaling damit at bags.

Ito ang naging instrumento para mapalitan ng pagkamuhi ang mga papuri at atensiyon na dating nagbibigay sa kanila ng kaligayahan.

Read: Vico Sotto: Contractors’ kin’s display of wealth not inspiring

Isang abogado na kinonsulta ng Cabinet Files ang nagsabing maaaring magdemanda ng cyber libel ang influencers na nakararamdam o nakararanas ng pagkaagrabyado sa social media dahil sa maaanghang na komento ng netizens.

Pahayag niya: “Pero depende sa evidence kung ipapa-file sa court. Puwedeng ma-dismiss kung mahina ang evidence.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero tiyak daw mahihirapan ang influencers dahil sa dami ng bashers nila.

“Sino ang idedemanda nila sa dami ng netizens na nag-comment?

"Puwedeng libelous yung ibang comments, yung iba naman nakikitawa lang o ambiguous ang mga reaksiyon,” saad ng abogadong kinausap at hiningan ng Cabinet Files ng opinyon.

Read: Vice Ganda hits corrupt officials living off his taxes

LEMUEL LUBIANO'S CONNECTION TO CLAUDINE CO

Ang mga pangalan nina Claudine Co, Jammy Cruz, Gela Alonte, Vern Enciso, Verniece Enciso, at Lemuel Lubiano ang ilan sa madalas binabatikos sa social media buhat nang pumutok ang kontrobersiya sa flood control projects.

Si Lemuel ang kapatid ni Lawrence Lubiano, presidente ng Centerways Construction and Development Inc., na umaming nagbigay ng PHP30 million na donasyon sa senatorial bid ni Senator Chiz Escudero sa halalan noong Mayo 2022.

Nadamay ang pangalan ni Lemuel dahil bukod sa magkapatid sila ni Lawrence, siya ang kasintahan ni Claudine Co.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Meet Claudine Co, the influencer-singer from Bicol whose luxury vlogs, business ventures, and political ties have recently drawn national attention.
Claudine Co and boyfriend Lemuel Lubiano
Photo/s: Screengrab from Instagram | @maisonmatchaco

Si Claudine ay anak ni former Ako Bicol Partylist Representative Christopher Co at pamangkin ni incumbent Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co.

Si Zaldy ay dating Appropriations Chair ng House of Representatives.

Si Christopher ang founder ng Hi-Tone Construction and Development Corporation, samantalang si Zaldy ang CEO ng Sunwest Group of Companies.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kabilang ang Hi-Tone at ang Sunwest sa listahan ng Top 15 contractors na nakikinabang sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kasama ang pangalan nina Edgar Acosta, presidente ng Hi-Tone; Aderma Angelie Alcazar, presidente/CEO ng Sunwest Inc.; at Lawrence sa hiniling na lookout bulletin ni DPWH Secretary Vince Dizon kay Justice Secretary Crispin Remulla para hindi sila makapagbiyahe sa labas ng bansa dahil sa pagkakasangkot nila sa flood control project scandal.

Nais naman ni Navotas Representative Toby Tiangco na ipatawag at imbestigahan din ang kapwa niya congressman na si Zaldy Co sa koneksiyon nito sa flood control project controversy.

Katuwiran ni Tiangco: “Sino pa ba ang makakasagot? Kapag hindi pa niya nasagot yan, naku, ano pa mangyayari diyan?

"Yes, Zaldy Co, kung wala po siyang itinatago.”

Read: Claudine Co, binabatikos dahil sa pagbalandra ng lavish lifestyle

SARAH DISCAYA CHILDREN DIAGNOSED WITH ADHD

Pinagpipistahan din sa social media ang mga larawan at video ng apat na anak nina Sarah at Curlee Discaya na nawalan ng privacy dahil sa pagpapainterbyu ng kanilang mga magulang kina Julius Babao at Korina Sanchez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ni Korina kay Sarah Discaya noong Enero 2025, isiniwalat niyang may attention-deficity hyperactivity disorder (ADHD) ang mga anak nila ni Curlee.

Kuwento ni Sarah: “Hyper sila, malikot, Yung attention span nila, sobrang short.

"Yung kay Gerrard, siya yung unang napansin ko na ang likot. Hindi siya mapigil sa isang upuan.

"So, pina-check namin siya sa developmental pedia, dun namin nalaman na may ADHD siya.

“Kailangan mag-therapy siya. Yung occupational therapy to teach him to calm down and hindi ko din sila tinreat as if special sila.”

Rebelasyon pa ni Sarah: “Yung second child ko, parang may academic delay lang siya.

"Yung pangatlo at pang-apat, okay na sila. Discharged na sila pero may interventions pa rin kami.

“Kapag continuous yung therapies at interventions nila, parang kaming kawawa. Para kaming sinakluban [ng langit at lupa].

"Tapos meron ka pang anak na may diperensiya, kailangang mag-therapy. In between, nagkakasakit din sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon, yung eldest ko, si Gerrard, 22 years old, third year student... civil engineer.

"Yun yong worry mo bilang parent na they can’t cope.

"So ngayon, medyo yung struggle before nung maliliit sila, up to now, parang napagdaanan ko pala yon na lahat sila dinadala ko sa therapy sessions para lang maging okay.”

Ang pagkakaroon ng ADHD ng mga anak nina Sarah at Curlee ang pinanggalingan ng pakiusap ni Atty. Cornelio Samaniego III sa mga miyembro ng media na huwag nang idamay ang mga bata sa isyu.

“Puwede po ba, ihiwalay na lang natin. Isantabi natin yung mga bata?

"May mga problema po kasi sila sa health. Isantabi na lang po natin. Nakikiusap na lang po ako sa inyo.

“Yung mag-asawa na lang po, huwag na lang po yung mga anak. Siyempre, nakakakuwan din na nakikita natin yung mga anak na…

“Yung spouses Discaya, malakas po ang loob, pero huwag na lang po yung mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakikiusap lang po ako sa inyo mga kaibigan," apela ni Samaniego sa press briefing na naganap nitong Miyerkules, Setyembre 3.

Read: Sarah at Curlee Discaya, minumulto ng pagpapakita nila ng yaman

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A lawyer reminds that influencers facing online bashing and ridicule may file cyberlibel complaints against netizens.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results