Nakuha ni Miss Grand Panama 2025 Isamar Herrera ang simpatiya ng karamihan sa mga tumutok sa gabi ng koronasyon ng 13th Miss Grand International na ginanap noong Sabado, Oktubre 18, 2025, sa Bangkok, Thailand, nang hindi sinasadyang malagay siya sa isang alanganing situwasyon.
Read: Emma Mary Tiglao clinches back-to-back Miss Grand International crown for PH
Nangyari ito nang ianunsyo ng host na si Matthew Deane ang Top 20 candidates.
Ang Paraguay ang bansang tinawag ni Deane, pero nagkamali ng dinig si Herrera kaya ito ang nakangiti at masayang naglakad papunta sa sentro ng entablado.
Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita si Deane ng, "I beg your pardon…I announced Miss Grand Paraguay. There is a lot of noise in this hall, half-filled with fans all over the world."
Kaya bumalik si Herrera sa puwesto nito at si Miss Grand Paraguay Cecilia Romero ang naglakad papunta sa harap ng entablado.

Pinalakpakan si Herrera ng manonood sa loob ng MGI Hall at ng kanyang mga kapwa kandidata bilang pagpapakita ng suporta at pagbibigay-katiyakan na wala siyang dapat ikahiya sa pagkakamali na hindi niya kagustuhan.
Read: FULL TRANSCRIPT: Miss Grand International 2025 Top 5 Q&A portion
Naging headline tuloy ng pinakamatandang pahayagan sa Panama na Estrella de Panama ang nangyari kay Herrera.
Love and support from all around
Kung nakakahiya man para kay Herrera ang karanasan nito, hindi siya dapat magpaapekto.
Dahil higit na marami ang natanggap niyang mga mensahe ng suporta at positibong komento sa kanyang social media pages, mula sa mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng mundo.
Mga komentong tulad ng, "Thank you for representing us very well. We are proud of you."

"You did more than excellent…you gave everything of yourself for Panama. You will always be our Miss Grand International Panama."

"Hello, Miss Panama. I feel sad after the small mistake, but please know that you handled it with so much grace and confidence. Everyone saw your kindness and strength onstage. You made your country proud and we are all cheering for you. You are still a true queen. Sending you love and support from Philippines."

"Cheer up!!! It’s not your fault, totally could be understood. Totally normal. Love from Indonesia.”

Si Herrera ang appointed candidate ng Panama sa 13th Miss Grand International at kinoronahan siya noong Agosto 2025.
Lumipad sa Panama si Miss Grand International 2024 Christine Juliane Opiaza dahil ito ang personal na nagputong ng korona kay Herrera.
