PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Ikaw Na Nga" ni Willie Revillame, pang-simbahan din?

Nagulat at namangha tuloy si Willie.
by Jojo Gabinete
Published Oct 19, 2025
willie evillame tv5
Nagulat noon si Willie Revillame nung unang lumabas ang "Ikaw Na Nga" dahil naging hit ito noon kahit hindi naman siya singer. Ngayon, nagulat na naman siya nang gawin itong pang-simbahan ng isang pari.
PHOTO/S: Wil To Win Facebook

Nagulat at namangha si Willie Revillame nang mapanood nito ang video ng isang pari na kinakanta sa misa ang kanyang iconic hit song na "Ikaw Na Nga."

@fdanemcoronel Ikaw na nga by Willie Revillame sabi ng isang kanta #frdanecoronel #everyonehighlights #foryoupage #trending #fyp ? original sound - Fr. Dane Coronel

Si Vehnee Saturno ang composer ng "Ikaw Na Nga" na isang love song na sumikat nang husto noong 2009 at hanggang ngayon, madalas na pinatutugtog sa radyo at paboritong kantahin ng mga Pilipino.

Hindi inakala ni Willie na puwedeng maging gospel song ang "Ikaw Na Nga" at darating ang araw na aawitin ito sa simbahan.

Read: Ang tunay na istorya sa viral video ni Willie Revillame at ng PWD

Naghahatid kasi ito ng inspirasyon at tila patungkol sa Panginoong Diyos ang lyrics na:

"Ikaw na nga ang hinahanap ng puso

"Ang siyang magbibigay ng saya

"Ng tamis at lambing sa buhay ko

"Ikaw na nga ang bawat panaginip ko

"Sa piling mo’y nagkatotoo

"Ang lahat ng mga pangarap ko Ikaw na nga ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang i-record ni Willie ang "Ikaw Na Nga" noong 2009, wala sa isip niya na magiging mainit ang pagtanggap ng publiko sa kanyang kanta dahil TV host siya at hindi singer.

Nabigla na lamang si Willie nang ibalita sa kanya na most requested song sa AM at FM stations, at number one sa mga record bar ang "Ikaw Na Nga."

Read: Willie Revillame, bitbit pa rin ang trauma ng Wowowee tragedy

Nanalo pa ito bilang Best Selling Album of the Year sa 23rd Awit Awards noong Setyembre 30, 2010.

Matapos ang tagumpay ng "Ikaw Na Nga" noong 2009, nagkasunod-sunod na ang mga hit song ni Willie tulad ng "Kung Para Sa 'Yo," "Yun Ka," at "Miss Pwede Ba."

Ngayong 2025, muling naglabas si Willie ng bagong single, ang "Kamahal-Mahal" na komposisyon din ni Vehnee.

Willie Revillame
Photo/s: Wowowin Facebook Page
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tungkol sa kapangyarihan ng pag-ibig sa kabila ng maraming mga hamon sa buhay ang "Kamahal-Mahal," isa sa mga proyekto ni Willie na pinagkaabalahan nito, at maaari nang mapakinggan sa official Facebook page, YouTube channel at Instagram account ng Wowowin.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagulat noon si Willie Revillame nung unang lumabas ang "Ikaw Na Nga" dahil naging hit ito noon kahit hindi naman siya singer. Ngayon, nagulat na naman siya nang gawin itong pang-simbahan ng isang pari.
PHOTO/S: Wil To Win Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results