PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lakam Chiu, VIP client umano sa isang sikat na casino

Lakam Chiu, manager daw ng kapatid na si Kim Chiu ang pakilala sa casino.
by Jojo Gabinete
Published Dec 7, 2025
lakam chiu kim chiu
As early as February 2025, reports have circulated that Lakam Chiu (in stripes), the elder sister of actress-TV host Kim Chiu, has been a frequent visitor at a well-known casino and is regarded as a VIP client due to the millions of pesos she reportedly spends on gambling.
PHOTO/S: YouTube

Ikinagulat ng marami ang pagsasampa ni Kim Chiu ng reklamong qualified theft laban sa kanyang nakatatandang kapatid na si Lakambini "Lakam" Chiu.

Hindi nila inaasahang hahantong sa korte ang hidwaan ng magkapatid.

Mahirap din para sa iba, lalo na sa kulturang Pinoy, na tanggaping magagawa ni Kim na ipakulong ang sariling kapatid, kung sakaling matalo ito sa kaso.

Read: Kim Chiu sues sister Lakam for qualified theft

Naghain si Kim ng reklamo sa Office of the Assistant Prosecutor sa Quezon City noong Disyembre 2, 2025.

Hanggang ngayong Linggo, Disyembre 7, hindi pa naglalabas ng pahayag si Lakam tungkol sa isyung naghatid ng lamat sa kanilang relasyon.

GAMBLING RUMORS ABOUT LAKAM

Malaking halaga ng pera ang sangkot sa desisyon ni Kim na sampahan ng reklamo ang sariling kapatid, na inaakusahang lulong sa casino.

Hindi na ito ipinagtaka ng Cabinet Files.

Noong Pebrero 19, 2025, naglabas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng ulat tungkol sa pagiging lulong sa sugal ng kapatid ng isang sikat na showbiz personality bilang babala sa aktres na hindi pinangalanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kapatid ng showbiz personality at isang pulitiko lulong sa casino

Nalaman ng Cabinet Files ang madalas na pagpunta ni Lakam sa isang sikat na casino noong Pebrero 2025.

Isang dating empleyado ng casino ang nagtanong sa amin kung totoong si Lakam ang manager ni Kim dahil ito raw ang pakilala sa kanila ng kapatid ng aktres.

Sinabi ng Cabinet Files sa dating empleyado ng casino na alam sa entertainment industry sa Pilipinas na ang Star Magic, at hindi si Lakam, ang namamahala sa showbiz career ni Kim.

Nabanggit ng dating casino employee na manager nga ni Kim ang pakilala ni Lakam — na isa sa mga VIP client ng casino dahil milyun-milyong piso umano ang halaga ng kanyang isinusugal.

Maselan ang isyu dahil tiyak na ikasisira ito ng maayos at magandang samahan ng magkapatid.

Pero bilang babala sa mga sangkot na personalidad, inilabas ng Cabinet Files ang impormasyong nakalap namin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: ABS-CBN responds to TV5 pulling the plug on content partnership

THE BLIND ITEM

Ito ang kabuuan ng ulat na nalathala sampung buwan bago nagsampa ng reklamo si Kim:

“Mahigit sa limampung milyong piso (PHP50M) ang perang naubos sa casino ng kapatid ng isang sikat na showbiz personality.

“May dapat ikabahala ang showbiz personality, na araw-araw na napapanood sa telebisyon, dahil manager niya ang pakilala ng kanyang kapatid sa kapwa nito casino players.

“Alam sa entertainment industry na iba ang namamahala sa showbiz career ng sikat na personalidad kaya may mga pagdududa sa ipinamamalita ng kapatid niya.

“Malaking halaga ang limampung milyong piso.

"Maaaring hindi alam ng showbiz personality na gumon sa sugal ang kanyang kapatid, na matapang sa paglulustay ng salapi, kaya nararapat lamang na magsimula na siya sa pag-iimbestiga habang hindi pa naaapektuhan ang kanilang kabuhayan.”

Agosto 2025 naman nang mapansin ng mga tagahanga ni Kim na hindi na nila sinusubaybayan ni Lakam ang Instagram accounts ng isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kim Chiu and sister Lakam unfollow each other on Instagram

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
As early as February 2025, reports have circulated that Lakam Chiu (in stripes), the elder sister of actress-TV host Kim Chiu, has been a frequent visitor at a well-known casino and is regarded as a VIP client due to the millions of pesos she reportedly spends on gambling.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results