Napatunayan ang pagiging mapaglaro ng tadhana at nangyari ito noong Sabado, Disyembre 27, 2025, sa dating mag-asawa na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Hindi na malilimutan ni Carla ang petsa na Disyembre 27 dahil ito ang araw ng pag-iisang-dibdib nila ni Dr. Reginald Santos, ang lalaking pinili niyang makasama sa habambuhay.
Read: Rey PJ Abellana, hindi raw invited sa kasal ng anak na si Carla
Unang ikinasal si Carla kay Tom noong Oktubre 23, 2021, at hindi lingid sa kaalaman ng lahat na humantong sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.
AN UNFORGETTABLE NIGHT FOR TOM RODRIGUEZ
Gaya ni Carla, mahirap ding makalimutan ni Tom ang petsa na Disyembre 27 dahil ito ang araw na napanalunan niya ang kauna-unahang acting award mula sa 51st Metro Manila Film Festival.
Si Tom ang nagwagi na Best Supporting Actor para sa kanyang pagganap sa pelikulang may pamagat na Unmarry, na naranasan nila ni Carla sa tunay na buhay nang mapawalang-bisa ang kanilang kasal.
Tinalo ni Tom si Zac Sibug, na kasama niya sa Unmarry; si Cedrick Juan ng Manila’s Finest; si Will Ashley ng Bar Boys: After School; at sina Zaijian Jaranilla at Joey Marquez ng I’mPerfect.
Habang nagaganap ang masayang wedding reception nina Carla at Reginald noong Sabado ng gabi, nagbubunyi naman si Tom dahil sa tagumpay niya sa Gabi ng Parangal ng 51st Metro Manila Film Festival.
Hindi pa naglalabas si Carla ng social media post tungkol sa garden wedding nila ni Reginald na ginanap sa Tagaytay City, samantalang nagpahayag na si Tom ng kaligayahan at pasasalamat dahil sa acting award na kanyang natanggap.
Sa kanyang Instagram account ngayong Linggo, Disyembre 28, narito ang bahagi ng post niya: “I’m still waking up grateful… I honestly didn’t expect the nomination last night, much less the win...
"I’d also like to thank my family, who have ceaselessly supported me throughout this journey. Your belief, patience, and love are the steady ground I stand on, on and off screen.
"Last night was overwhelming in the best way. But how I started my day is how I will choose to end it... with intentional gratitude."
Read: Angelica Panganiban after Best Actress loss: "Naghanda ako ng speech, hindi ko nasabi."