Nagkaharap na ang beauty queen-actress na si Melanie Marquez at asawa nitong si Randy Lawyer sa isang korte sa Utah, USA.
Nangyari ito noong January 13, 2026, isang linggo matapos isiwalat ni Melanie sa Fast Talk with Boy Abunda episode na umere noong January 5, ang mga problema nila ng kanyang American husband.
Kasama sa mga alegasyon niya ang pisikal na panakit, na nagsimula raw noong 2022. Ang most recent incident ay nangyari diumano noong Oktubre 23, 2025.

Naganap ang pagtatagpo ng estranged couple sa 6th District Court ng Sevier County, Richfield, Utah, para sa petition for Permanent Protection Order na inihain ni Melanie.
Hangad niyang hindi na makakalapit sa kanya si Randy.
MELANIE MARQUEZ ON FACING RANDY LAWYER
Nakausap ng Cabinet Files si Melanie ngayong Linggo, January 18, at ayon sa kanya, kasama niya sa korte ang dalawang anak niya na sina Mazen at Adam.
Hindi raw sila nag-usap ni Randy.
"Tiningnan ko lang siya nang diretso sa mata, hindi siya makatingin sa akin,” ang pahayag ni Melanie.
"Ang unang itinanong sa akin ng lawyer niya, ‘Isn’t it you are an actress, a famous one in the Philippines?’ Na parang gusto niya na palabasin na umaarte lamang ako sa mga reklamo ko.
"Sabi ko, ‘Well, I’m also a supermodel in New York in case you didn’t know,'” ang bahagi ng kuwento ni Melanie.
Hindi ito ang una't huling pagkikita nila sa korte dahil itinakda sa February 6, ang muling pagdinig sa petisyon ng 61-year-old star.
Read: Michael Pacquiao unveils new look in side-profile photo
MELANIE MARQUEZ ON SARA JANE PAEZ'S DEATH
Samantala, nabanggit ni Melanie sa Cabinet Files ang kalungkutan na naramdaman niya nang pumanaw noong January 13, dahil sa breast cancer, ang kanyang kapwa beauty queen na si Sara Jane Paez-Santiago.
"Iyak ako nang iyak. Nagkita pa kami bago ako pumunta sa Amerika,” ang sabi ni Melanie.
"Nagyakapan pa kami nang magkita kami sa Landmark supermarket sa Makati noong December 27, 2025.
"Anak-anakan ko si Sara Jane dahil pareho kaming Bb.Pilipinas winners. Tinulungan ko pa siya na mag-empake nang lumaban siya sa Miss Universe noong 1989,” ang malungkot na lahad ni Melanie.
Read: Robi Domingo speaks on reported tension with John Lloyd Cruz