PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eman Bacosa Pacquiao puspusan ang training para sa next fight

Hindi muna siya luluwas sa Metro Manila
by Jojo Gabinete
Published Jan 18, 2026
Eman Bacosa Pacquiao
Wala sa Metro Manila si Eman Bacosa Pacquiao dahil na-focus ito sa kanyang training.
PHOTO/S: Eman Bacosa Pacquiao on Facebook

Hindi muna luluwas sa Metro Manila si Eman Bacosa Pacquiao, 22.

Nag-umpisa na kasi ang boxing training niya para sa kanyang susunod na laban.

Nakipag-ugnayan ang Cabinet Files sa nanay ni Eman na si Joanna Bacosa, at kinumpirma nitong nakatuon sa ensayo ang atensiyon ng kanyang anak na makakalaban ang Indonesian boxer na si Reynold Kundimang, 25.

"Focus po muna siya sa training,” ang sagot ni Joanna nang makausap ito ng Cabinet Files ngayong Linggo, Enero 18, 2026.

“Sa February 28 po ang fight niya sa Tagbilaran City, Bohol. Indonesian ang makakalaban niya. Nag-start na po siya na mag-training,” ani Joanna na nakasubaybay rin sa pag-eensayo ng kanyang anak.

Read: Michael Pacquiao unveils new look in side-profile photo

WHAT THIS FIGHT MEANS TO EMAN BACOSA PACQUIAO

Sa kasalukuyan, undefeated boxer si Eman.

Ang laban nila ni Kundimang ang hudyat ng kanyang pagbabalik sa boxing ring mula nang matalo niya si Nico Salado sa Thrilla In Manila 2, na idinaos noong Oktubre 29, 2025, sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
eman pacquiao dad manny pacquiao
Eman Bacosa Pacquiao with dad, bboxing legend Manny Pacquiao
Photo/s: KMJS YouTube

Hindi lamang nanalo si Eman sa naturang laban dahil nakuha rin niya ang atensiyon ng mga Pilipino at sumikat nang husto.

Ang Facebook page at Tiktok account niya ay malapit nang magkaroon ng tig-iisang milyon na fans and followers.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pumirma rin siya ng kontrata sa Sparkle, ang talent management company ng GMA Network Inc.

Dinagsa rin siya ng mga product endorsements.

Importanteng magwagi si Eman sa laban nila ni Kumindang para tuluy-tuloy ang momentum ng kanyang career.

Kapag nangyari ito, tiyak na madaragdagan ang popularidad niya at darami ang brand companies na magtitiwala sa kanyang kakayahan na mag-endorso ng mga produkto.

Higit sa lahat, lalong magiging mabuting ehemplo si Eman sa mga kabataan na hangang-hanga at pinupuri ang ipinakikitang pagmamahal niya sa pamilya, paggalang sa mga magulang, at pagkakaroon ng pananampalataya sa Panginoong Diyos.

Read: Robi Domingo details wife’s pregnancy amid autoimmune disease

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala sa Metro Manila si Eman Bacosa Pacquiao dahil na-focus ito sa kanyang training.
PHOTO/S: Eman Bacosa Pacquiao on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results