Parehong may laban sa boksing ang magkapangalan at magkapatid sa ama na sina Emmanuel “Jimuel” Pacquiao Jr., 24, at Emmanuel Joseph “Eman” Bacosa Pacquiao, 22, sa sa Pebrero 28, 2026.
Pero sa magkaibang time zone dahil magaganap ang kani-kanilang mga laban sa magkaibang bansa — si Eman sa Pilipinas at si Jimuel sa Amerika.
Sina Jimuel at Eman ay mga anak ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
Ang ina ni Jimuel ay ang asawa ni Manny na si Jinkee Pacquiao; at ang ina naman ni Eman ay si Joanna Bacosa.
Read: Eman Pacquiao opens up about being acknowledged by Manny
EMAN PACQUIAO IN BOHOL
Nauna nang ibinalita ng PEP.ph na puspusan na ang pag-eensayo ni Eman para sa laban nila ng Indonesian boxer na si Reynold Kundimang sa Bohol Cultural Center, Tagbilaran City, Bohol, sa Pebrero 28.
Read: Eman Bacosa Pacquiao puspusan ang training para sa next fight
Maglalaban sina Eman at Kundimang sa undercard ng main event fight ni Regie “Filipino Phenom” Suganob ng Pilipinas at ng Venezuelan boxer na si Rodrigo Ramirez.
Ang PMI Bohol Boxing Promotions ang promoter ng boxing match nina Suganob at Ramirez para sa event na tinawag na "Kumong Bol-Anon 24."
Hudyat ito ng pagbabalik ni Eman sa boxing ring matapos niyang manalo sa "Thrilla in Manila ll" na ginanap sa Araneta Coliseum noong Oktubre 29, 2025.
Read: Anak ni Manny Pacquiao, panalo sa Thrilla in Manila 2
JIMUEL PACQUIAO IN NEW YORK
Gaya ni Eman, muling sasampa sa boxing arena at lalaban si Jimuel sa undercard ng World Boxing Organization’s International Featherweight Championship ng Venezuelan professional boxer na si Lorenzo Parra at ng American na si Elijah Pierce.
Ang MP Promotions ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang promoter ng laban ni Jimuel na magaganap sa Pebrero 28 sa Turning Stone Resort Casino ng Verona, New York.
Hindi pa inaanunsiyo ng MP Promotions ang pangalan ng boksingerong makakaharap ni Jimuel.
Nag-debut si Jimuel bilang professional boxer nang maglaban sila ng American boxer na si Brendan Lally noong Nobyembre 29, 2025 sa Pechanga Resort and Casino sa Temecula, California, at nagresulta sa majority draw.
Inaasahang susuportahan ni Manny ang laban ni Jimuel sa Amerika dahil siya ang promoter ng Parra-Pierce boxing match na mangyayari sa New York sa Pebrero 28.
Mapapanood ito sa Pilipinas sa Marso 1.
Read: Manny Pacquiao, proud sa unang panalo ng anak na si Jimuel bilang amateur boxer