PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mygz Molino, kumusta apat na taon matapos pumanaw ni Mahal?

Mygz Molino, nagsalita tungkol sa matinding bashing na natanggap niya noon.
by Jojo Gabinete
Published Feb 5, 2026
mygz molino mahal
Mygz Molino opens up about the intense bashing he received after Mahal's death: “Sa dami ng mga sinabi patungkol sa akin, siguro mas may right pa akong magreklamo, pero ayokong dumating sa point na yon... Sobrang ang bashing sa akin, even sa family ko, as in below the belt. Higit pa sa below the belt ang mga ibinato sa akin."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Instagram

Nang mamatay si Mahal dahil sa COVID-19 noong Agosto 31, 2021, tumanggap ng mga batikos at hinusgahan ang aktor at content creator na si Mygz Molino dahil sa mabigat na akusasyong ginamit lamang niya para sa sariling interes ang diminutive comedienne.

Nasaktan si Mygz sa masasakit na paratang pero pinili niyang manahimik, imbes na ipagtanggol ang sarili.

Read: Diminutive comedienne Mahal dies at 46

Naranasan daw ni Mygz na hindi lumabas ng bahay sa loob ng isang taon dahil sa trauma na kanyang naranasan at sa mga taong nagbabantay sa labas ng tahanan nila sa Tanauan, Batangas.

May mga taong inaabangan ang paglabas niya para makita lamang si Mygz.

May mga taong nag-iiwan ng mga pagkain at regalo dahil sa labis na pagmamalasakit.

At may mga taong nais na sumbatan siya at sisihin dahil sa pagkamatay ni Mahal.

Napamahal din si Mahal sa ina ni Mygz na hanggang ngayon, hindi raw kumakain ng alimango dahil ito ang paborito ni Mahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nalulungkot daw ang ina ni Mygz kapag nakakakita ito ng alimango dahil naaalala niya ang namayapang matalik na kaibigan ng kanyang anak.

Read: Mygz Molino recounts last moments of Mahal: "Naghahabol po ng hinga."

Mygz Molino and Mahal
Photo/s: @mygz.molino on Instagram

MYGZ MOLINA FOUR YEARS AFTER MAHAL'S DEATH

Apat na taon makalipas ang pagpanaw ni Mahal, binasag ni Mygz ang pananahimik.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang bawian ng buhay si Mahal noong Agosto 2021, maraming beses na nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Mygz para sa panig nito.

Pero ni minsan, hindi siya sumagot.

Sa panayam ng Cabinet Files kay Mygz sa may Quezon City nitong Miyerkules, Pebrero 4, 2026, inihingi niya ng paumanhin ang kanyang hindi pagsagot sa aming mga mensahe at tawag.

Paliwanag niya, ito ay para hindi na raw madagdagan ang mga pinagpipistahan noong kontrobersiya tungkol sa pagkawala ni Mahal.

Saad ni Mygz: “Sa akin kasi, maayos yung pakikisama, pakikitungo, at pag-aalaga ko kay Mahal.

“Noong panahon na yon, never akong nag-open tungkol sa isyu kasi sobrang sensitive po ng pangyayari.

"Hindi po natin alam kung maiintindihan ba ako ng mga tao. Kakampihan ba ako nila o sasabihin nila na sinungaling ako.

“Pinili ko na lang pong manahimik.

"May times na kailangan sagutin, pero times na may mga sensitive na bagay na tanong na medyo iniiwas-iwasan para wala nang gulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang gulo dati kasi nagkapatong-patong.

"Dumating po sa point na alam natin na sa social media, lalo na ngayon, it’s either totoo o hindi.

"Yung iba, gusto lamang kumita. May mga tao na sulsol. Ipi-feed nila kahit hindi totoo.

“Kapag tinanong po ako, sasagutin ko naman po in a nice way na hindi kumplikado. Hindi yung palaging parang ako ang unang nagsasalita.”

Read: Mygz Molino, hindi pa nakakapag-move on sa pagpanaw ni Mahal

MYGZ MOLINO'S ISSUE WITH MAHAL'S FAMILY

Hindi umabot sa korte ang usapin sa pagitan ni Mygz at ng naulilang pamilya ni Mahal.

Malumanay na lahad ni Mygz tungkol sa diumano’y walang katotohanan at basehang bintang na ginamit niya si Mahal para sa sariling kapakanan: “Sa dami ng mga sinabi patungkol sa akin, siguro mas may right pa akong magreklamo, pero ayokong dumating sa point na yon.

"Ako naman po kasi, ako yung tao na kahit ako na lang yung masaktan, huwag lang ako yung makapanakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Makokonsensiya ako kung ako ang gagawa nang hindi maganda sa ibang tao.

“Sobrang ang bashing sa akin, even sa family ko, as in below the belt. Higit pa sa below the belt ang mga ibinato sa akin."

Dagdag pa niya: “Sa Itaas lang talaga ako nanalig.

"Sabi ko, ‘Lord, Ikaw na po ang bahala sa akin. Ikaw na po ang bahala sa mga taong gumawa sa akin ng mga ganitong bagay. Kasi mas Ikaw po ang nakakaalam. At the same time, mas alam ko po ang katotohanan.”

Read: Kapatid ni Mahal, umalma sa akusasyong mukha silang pera; isyu sa naiwang pera ng late comedienne, nabigyang-linaw

Nakalibing ang mga labi ni Mahal sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Quezon City.

Bumibisita raw si Mygz sa puntod ng kanyang kaibigan, lingid sa kaalaman ng karamihan, para maiwasan na umano ang mga intriga.

Sinabi rin ni Mygz na madalas daw dumadalaw si Mahal sa mga panaginip niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya: “Laging nagpaparamdam sa akin si Mahal sa panaginip tuwing birthday niya [Disyembre 20].

"Yung mga nangyayari dati, yung mga vlog na ginagawa namin.

“May moments na naaalaala ko siya sa mga lugar na pinupuntahan namin.”

Kasama ni Mygz ang kanyang business manager na si Jeth Carey nang makapanayam siya ng Cabinet Files.

Gaya ni Mygz, naging biktima si Jeth ng mga batikos nang mamatay si Mahal.

Bilang mga born-again Christian sila, nangibabaw umano ang pagpapatawad nila sa mga nagkasala sa kanila.

mygz molino jeth carey
Mygz Molino with manager Jeth Carey
Photo/s: Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Museleo ni Mahal na nagkakahalaga ng P4.1 million, tapos na

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mygz Molino opens up about the intense bashing he received after Mahal's death: “Sa dami ng mga sinabi patungkol sa akin, siguro mas may right pa akong magreklamo, pero ayokong dumating sa point na yon... Sobrang ang bashing sa akin, even sa family ko, as in below the belt. Higit pa sa below the belt ang mga ibinato sa akin."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results